CHAPTER 29 - ANOTHER DEAD BODY

153 8 1
                                    

This Chapter have a Vulgar or inappropriate words so please be open minded.

Reminder:
Again this is just a
WORK OF FICTION.
This is just an imagination that my mind make.

Hope you will like it, kung ayaw niyo itong basahin dahil para sainyo pangit. Then, you all free to leave and stop reading.

__________

ANOTHER DEAD BODY

"Pasensya na, kailangan na kitang patayin may aasikasuhin pa ako". Nakakakilabot na ngisi ko

"Huwag Dark nagmamakaawa ako, promise hindi ko na gagawan ng masama si Althea, huwag mo lang akong patayin maawa ka". Nagmamakaawang sabi niya

"Gusto pa sana kitang buhayin, kaso nakita mo na yung mukha ko eh ". Umiling-iling na sabi ko

Sinenyasan ko ang tauhan ko sa likod at lumapit naman sila habang dala-dala ang mga ginagamit namin sa pagt0rture ng tao.

Linagay nila sa lamesa ang mga gamit, binalik ko ang baril ko sa bulsa ng coat ko at kinuha ang kutsilyo na na nasa lamesa.

Napangiti ako at hinawakan ang talim ng kutsilyo.

"Hindi ko naman sasabihin sa lahat na nakita kita, n-na nakita ko yung mukha mo". Takot na saad niya habang nakatingin sa hawak-hawak kong kutsilyo

Magsasalita na sana ako ng dumating na naman ang tauhan ko.

"Boss H, gusto daw kayong makausap ng pinsan ni WZ ". Salita nito

"Sabihin mo sakanya, teka lang... susunod ako". Malamig na ani ko

Tumango naman ito at umalis.

"Magpaalam kana sa mundo George". Nakangising sabi ko

"Huwag! Nagmamakaawa ako!". Sigaw niya

Lumapit pa ako dito at tinutok ang kutsilyo sa may tiyan nito. Gusto ko muli makakita ng duguang katawan.

Magsasalita sana siya ng sinaksak ko na ang kutsilyo sa tiyan nito. Nanlaki naman ang mata nito. Napangisi lang ako at sinaksak siya muli.

Sumuka naman siya ng dugo at halatang nahihirapan na. Dahil mayroong naghihintay saaking bisita, linapag ko ang kutsilyo na may dugo sa lamesa at kinuha ang baril ko sa coat.

Wala akong sinayang na minuto at itinutok ang baril sa ulo nito. Kinalabit ko ang gatilyo at biglang napayuko ang ulo niya.

May tumulong dugo sa noo kaya mas lalo akong napangisi. Lumayo ako at tumalikod, bago ako maglakad ay kinasa ko muli ang baril ko at binaril ko pa ito ng dalawang beses.

"Kayo ng bahala sa kalat. Alam niyo na ang gagawin niyo". Malamig na utos ko

Napatango naman sila kaya naglakad na ako palabas, linagay ko ang baril ko sa coat ko at umalis na.

"Walang hiya ka Dark! Bakit mo pinatay ang pinsan ko!". Nanggagalaiti sa galit na bungad saakin ni Ivan

Pagkadating ko palang ay bumungad na siya saakin at galit na galit ang nakarehestra sa mukha nito.

"Oh, what pity Palma". Nakangising saad ko

Kita ko namang naasar siya, tila gusto niya akong suntukin, pero hindi niya magawa dahil marami ang tauhan kong nakapalibot dito.

"Hindi mo pa din ba matanggap na patay na ang pinsan mo?". Nakangising ani ko

"Fvck you Dark! Gagantihan kita!". Nanggagalaiting sigaw niya saakin

My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend Where stories live. Discover now