CHAPTER 30 - SOMEONE

148 9 2
                                    

I hope you'll like this another Chapter! Kung ayaw niyo itong story at kung para sainyo pangit. Then, you all free to leave and stop reading this story.
I respect all of you, so please be mutual.

___________

SOMEONE.

"I'M not a Pro-Basketball Player, nagkakamali nga din ako sa paglalaro eh... at saka kapag dream mo talagang maging Basketball Player, then pursue it. Basta ikakasaya mo ". Mahaba-haba ngunit malamig na sabi ni Hash

"Angelo! Jason! Dan'ca! Naghihintay na si coach sa court". Tumatakbong sigaw ni Kent papalapit saamin

Sa basketball din pala siya maglalaro.

"Magpapractice ka din ba Althea?". Biglang baling saakin ni Kent

Napaharap naman ako sakanya at umiling-iling.

"Hindi naman ako magpapractice, titingnan ko lang sina Dan'ca magpractice". Nakangiting sagot ko

"Ahh... hindi ka maglalaro?". Tanong niya

"Hindi". Naiiling-iling ko na sabi

Tumango-tango naman siya at sumabay na din saamin sa paglalakad.

"Guys! Listen!". Sigaw ng Coach nina Hubby

Nakaupo ako dito sa gilid habang nakatingin kina Hash. May ibang estudyante din na narito, baka panonoorin din nila magpractice ang mga basketball player.

Ang tatangkad nila lahat. Sana lahat matangkad noh?

"Kailangan nating mag-practice ng todo dahil magagaling ang makakalaban natin, pero wag tayong mawawalan ng pag-asa, okay?". Sabi ng coach nina hubby

Sino kaya ang maglalaro sa Hark University? Baka yung mga ka-teammates ni Hash, tapos yung sa Sentinell University sabi ni Kent may bagong player daw doon.

Siguro magaling din yun, pero manalo man o matalo sina Hash. Support pa din ako.

" Oh ". Abot ko kay Hubby ng isang mineral bottle ng makalapit siya saakin

Tinanggap naman niya iyon at hingal na umupo sa tabi ko. Kinuha ko ang towel na nasa gilid ko at pinunasan siya.

" Sana all ". Sigaw ni Angelo habang papalapit saamin

"Kaya nga, paano naman kami?". k
Kunwaring malumbay na sabi ni Jason

" Mga lason! ". Sigaw naman ng kasama nina hubby sa pagpapractice

"Ang sweet naman Dan'ca. Yung totoo pare bakla kaba talaga o nagbabakla-baklaan kalang para maging sweet sayo si Althea?". May mapanglarong ngisi sa labi ng ka-teammates ni Hubby

Napapailing-iling naman si Hubby dahil doon at uminom nalang ng tubig.

Mabuti nalang talaga at hindi sila nagdududa kung bakla nga ba talaga si Hash o hindi.

"Hayaan niyo na nga yan si Dan'ca. Inggit lang kayo kasi walang pumupunas ng pawis ninyo at nagbibigay ng tubig". Pang-aasar ng Coach nila

"Si Coach naman. Bakit Coach wala din namang pumupunas ng pawis mo at nagbibigay ng tubig sayo ah". Tawanan nila

"Eh kung alisin ko kayo sa laro? ha?". Taas kilay na sabi ni Coach sakanila

"Ayy Coach, nagbibiro lang naman kami". aniya Kent

"Kaya nga Coach, si Coach naman hindi mabiro". Saad nila

"Bahala nga kayo dyan! Aalis muna ako, babalik din ako kaagad". Paalam ni Coach

My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon