CHAPTER 35 - WHY?

114 8 2
                                    

I hope you'll like this another Chapter! Kung ayaw niyo itong story at kung para sainyo pangit. Then, you all free to leave and stop reading this story.

___________

Why?

Malapit na kami sa gawi nina hubby, hindi pa tinatawag ang player ng Sentinell University, dumating na daw ang mga player na taga Sentinell, pero ngayon palang na inform na magsisimula na ang laro, nasa loob daw kasi ng Van ang mga player.

Nakaupo sina hubby sa tabi ng coach nila, nang makita ako ni Hash ngumiti siya at kaagad na lumapit saakin.

"Bakit kayo ang may dala-dala niyan?". tanong niya at tiningnan ang hawak-hawak namin nina Euni na plastic

"May pumunta kasing lalaki kanina doon sa pwesto namin, tapos sabi daw ni Ma'am ako daw ang magbigay sainyo. Tapos tinulungan naman ako nina Euni". tipid na ngiting sagot ko

"Akin na". malambing na presinta ni hubby at kinuha ang hawak-hawak kong plastic

Lumapit din siya kina Euni at kinuha ang dalawang plastic.

"Tara". Ani ni hubby at naunang maglakad sa gawi ng kateammates niya

Linapag niya ang dala-dala namin sa baba, napatingin saamin ang nga kateammates ni hubby ng makalapit na kami sakanila

"Uyy... hindi niyo naman sinabi na kailangang magpapunta ng girlfriend dito.... sayang. Wala kasi akong girlfriend". tila may halong biro at malumbay na saad ng isa sa kateammates nina hubby

"Kaya nga, coach oh dapat inaalis ang may mga jowa sa laro". biglang sabi ni Kent

Grabe naman. Wala kalang jowa eh!

"Tama na nga yan, dapat ang mas iniisip niya ay tungkol sa laro, hindi tulad ng jowa... jowa na yan". sita naman ng coach nila


Ayy bitter ka Coach?



"By the way, salamat sainyong tatlo sa pagbigay ng tubig saamin, sobrang dami naman nito, pero thank you pa din". nakangiting baling naman saamin ni coach

"Oo nga pala, hindi ba pumunta dito ang teacher Rebecca niyo?". biglang tanong ni Coach saamin

Bakit tinatanong niya kami tungkol kay Ma'am Rebecca?

"Ayiee si Sir pumapag-ibig sa adviser namin". nakangising ani ni Kent habang nakatingin kay Coach

"Kahit hindi mo sabihin, dati na akong pumapag-ibig, at saka ano namang masama kung tinatanong ko kung nakita nila ang Asawa ko?". taas kilay na tanong ni Coach kina Kent



Omg!



Asawa ni coach si Ma'am Rebecca?



"Seryoso coach? Ikaw pinatulan ni Ma'am Rebecca?". nakakalokong tanong ni Kent kay Coach



Baliw talaga!



"Aba't! Baka gusto mong alisin kita ngayon mismo sa laro?". seryosong ani ni Coach

Asawa pala talaga siya ni Ma'am Rebecca, kaya naman pala ayaw na sa chix, kasi kuntento na sa asawa.

Pero nagulat pa din ako, hindi ko naman kasi kilala ang Coach nina hubby, kaya Coach lang ang tinatawag ko sakanya.

At saka hindi naman kasi pinapakilala ni Ma'am Rebecca kung sino ang Asawa niya

"Ss sainyo coach". nakangiting sabi ni Angelo

"Ss din coach... stay safe Coach". natatawang sabi naman ni Jason at sobrang halata ang pang-aasar sa mukha nito



Mga loko-loko!


My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend Where stories live. Discover now