CHAPTER 12 ~ Code ~

90.9K 2.4K 143
                                    

CHAPTER 12

STORM'S POV

"Binalaan na kita-"

Mabilis na pinatay ko ang tawag at binura ko ang call register bago ko iyon itinago nang may marinig ako na mga kaluskos sa labas ng kwarto ko. Humiga ako sa kama at mariin ko na pinikit ang mga mata ko kasabay nang pagbukas ng pintuan ng kwarto.

"Kanina pa sila natutulog ni Ale, Dawn. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang ang kung ano man ang kailangan niyo na itanong sa kaniya?"

"Tita Hurricane sigurado ho ba kayo na hindi nakaalis si Storm?"

"Of course I'm sure. Kasama pa namin siya nila Sky na nakikipaglaro kay Ale. Nang antukin na ang bata ay nagpaalam na rin si Storm na matutulog na."

"Dinaanan ko din sila bago ako pumunta sa kwarto ko." narinig ko na singit ng kapatid ko na si Sky sa usapan. "Ano ba talaga ang nangyayari?"

"Pag-usapan na lang natin sa sala."

Unti-unting humina ang mga boses na naririnig ko. Nang marinig ko ang mahinang tunog na nilikha ng pagsarado ng pintuan ay nanatili ako sa kinahihigaan ko na hindi gumagalaw. Alam ko na hindi pa sila lumalayo sa pintuan ko. Nararamdaman ko. They're agents after all. Hindi basta-basta binibitawan ang isang suspect at sa pagkakataong ito ay ako iyon. After all it's Dawn we're talking about here.

It took me a few moments before I regain my memories with Dawn. Siguro tama nga sila. Hindi agad-agad babalik lahat pero nasisiguro kong hindi naman magiging mahirap na alalahanin ang lahat. My brain blocked everything so it can protect me and also because I was forcing myself to not let any of it in. But I'm not doing that now.

Ilang sandali pa ang lumipas ay dahan-dahan na akong kumilos. Muli kong kinuha ang phone ko na inilagay ko sa ilalim ng unan ko at pagkatapos ay pinindot ko ang speed dial.

"Hello?" sagot ng kung sino mula sa kabilang linya.

"Tinulungan mo ako." Hindi nakapagsalita agad ang nasa kabilang linya kaya muli akong nagsalita. "Sabi mo hindi ko dapat ginawa ang mga ginawa ko then why are you helping me?"

"I didn't helped you."

"Anong-"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Malaki ang pagkakautang sa akin ni Detective Bach. Naningil lang ako."

"Waine..."

"You're different, Storm. Sana hinayaan mo na lang ang Claw. Sana tahimik pa ang buhay mo ngayon at ang buhay ng pamilya mo."

"Pinaalam mo sa pamilya ko kung nasaan ako. Ang sabi mo sa akin noon kung gusto ko na mabuhay bilang si Serenity o kung sino mang katauhan ang piliin ko na buuin ay gagawin mo ang lahat. Kung gano'n bakit mo sinabi sa pamilya ko na buhay pa ako?"

"I need to have options. Hindi ko alam kung hanggang kailangan kita maitatago kay Wyatt kaya ko pilit na kinontak ang pamilya mo. Nagkita kami ni Dawniella at Triton Lawrence at sumang-ayon sila sa sinabi ko. Na hayaan ka na magkaroon ng tahimik na buhay hanggang sa makakaya namin na ibigay sa iyo iyon. Pero gumawa ka ng mga bagay na hindi mo dapat ginawa. Mga bagay na dapat ay binitawan mo na kapalit ng normal na buhay."

Mariin ang bawat bigkas sa mga salita na bumulong ako. "I can't let go."

"Storm-"

"Ganoon ka din naman di ba? Hindi mo pa din kayang bumitaw. Naghihiganti ka rin."

"Magkaiba tayo."

"Wala tayong pagkakaiba. Pareho lang natin gusto na mapabagsak ang Claw. Na magawang itigil ang kabaliwan ng kapatid mo. Iyon lang ang paraan para matahimik tayo, Waine."

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now