Chapter 44

490 11 0
                                    

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

CHAPTER 44

AUSTIN'S POV

Hindi ako makapaniwala na binabaan niya ako. Pumasok ako sa loob para ibalik ang cellphone ni Mrs. Germoso. Nagtataka talaga ako kung anong totoong nangyari sa pamilya ni Mrs. Germoso. Hindi naman sa pagiging paki alamera pero bakit may galit si Jay sa kanila?? Hindi ba dapat ay matutuwa pa si Jay na nahanap niya ang tunay niyang mga magulang. Dapat nga magdiwang siya dahil anak mayaman pala siya.

"Ahm tita, bakit po pala hindi nakikitira si Jay sa inyo??" lakas loob kong tanong.

"Hindi ko nga rin alam iho eh. Pero ang lagi niyang sinasabi ay kaya naman daw niyang mamuhay kahit mag-isa siya. Kahit anong pagpupumilit ko ay hindi ko pa rin siya ma aya sa bahay." malungkot na wika niya.

"Ganun ho ba?? Baka may dahilan siya o motibo kung bakit."

"Hindi ko nga rin maintindihan kaya lang ay hindi ko siya masisi dahil na baka yun ang tinuro ng ama niya."

I can see it in her eyes how lonely she is. Nawalan siya ng anak at itong anak naman niya ay hindi magawang bigyan siya ng isang chance. Gusto ko ring tulungan ang mommy nila. Halos apektado na rin kasi ang trabaho niya ng dahil kay Jay.

"Hayaan niyo po tita, gagawin ko po lahat ng makakaya ko para maibalik siya sa inyo." sabi ko at nagpa-alam.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

JAY'S POV

Lahat ng notes ko binasa kong ng ilang beses pero halos wala akong matandaan na terms man lang. Hindi ko talaga magawang isaulo tong mga to. Haiisst! Baka mamaya wala akong maisagot sa exam. Ang inaalala ko lang ay yung scholarship ko na baka mawala. Baka hindi lang yun, baka bumagsak pa ako. Eto na kasi ang epekto ng anesthesia kaya balak ko sanang patapusin ang finals bago sana ito pero dahil atat sila hindi ko tuloy nagawa. Pero okay lang dahil worth it naman ang paghihirap ko. Madaming natuwa.

Ring

Ring

Ring

Dali-dali kong sinagot ang tawag.

("Saan ka na?? Susunduin kita, Saturday naman ngayon kaya pwede ka ng dumalaw sa kapatid moh. I'm doing this dahil na aawa ako sa mommy moh na lagi na lang nakatulala. Matagal kang nawalay sa kanila that's why they are longing for your presence.") dere-deretsong wika niya.

"Hindi mo na ako kailangang sunduin. Kaya ko namang pumunta sa ospital.!" sagot ko.

("But your sister is not there, nasa bahay siya. Home base. Doctor na lang ang bumibisita sa kanya.") napabuntong-hinga siya.

"Sige, ako ng bahala.!" binabaan ko siya ng phone.

Kailangan kong makalabas dito agad-agad at baka hanapin ako ni Austin. Kaya kahit bukas ako madidischarge aysumuway ako sa utos ng doctora. Dahan-dahan kong inalis yung dextrose at nagpalit ng damit. Medyo masakit ito pero hindi naman ako makikipag karera. Alam kong delikado pero nalaman kong mas importante ang pagdalaw ko sa pamilya ko kesa sa sarili kong kapakanan.

Okay lang yun dahil kung mamatay ako, walang masasaktan pag nawala ako pero kung si ate ang mawawala, abah! Baka buong Pilipinas ang iiyak at magkakaroon pa ng baha dito sa atin. Inayos ko lahat ng gamit ko pati notebooks ko at pasimpleng lumakad palabas ng room ko. May isang nurse na nag roronda. Pero hinila ko yung cap ko para hindi niya makita ang itsura ko. Dali-dali akong sumakay sa elevator ng makita si doctora Isabelle.

Nagdoorbell ako pagdating ko sa bahay nila nanay. Dali-dali namang bumukas yung gate.

"Anak, salamat at napadalaw ka. Akala ko hindi mo na talaga kami sisiputin!" salubong ni nanay ng makita ako. Yumakap din ako sa kanya.

Nandito rin pala si Austin, hindi niya talaga magawang iwan ang ate ko kahit pa may asawa na si ate. Lagi pa rin itong dumadalaw sa kanila ng magkasakit si ate. Nandito rin yung pamangkin kong makulit.

"Hello Arian! Hug moh nga ako!!" tawag-pansin ng ate ko ng pumasok ako sa kwarto niya. Medyo nakakabalik na siya sa dati pero medyo pale pa rin ang itsura niya.

Yumuko ako para bigyan siya ng yakap ng maramdaman kong kumirot ng konti ang sugat ko.  Ouch! Ang sakit naman.

"Pasensya na at ngayon lang ako dumalaw. Busy kasi sa school." palusot ko ng makabawi ako.

"Dito ka na kasi sa bahay para may kasama si mama. Miss ka niya dahil baby ka pa lang kinuha ka na ni Marq." may bahid na galit ang pagkasabi niya. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya dahil kahit naman ganun ang nangyari, sana naman respetuhin niya si tatay.

"Alam ko pero nakasanayan ko na ang buhay na meron ako ngayon. Kailan man ay hindi ako naghangad ng isang marangyang buhay." inis na sabi ko. Paano ba naman, tatay rin naman niya si tatay ah.

"Pero sana pagbigyan mo si mama.! Please!!" sabi niya. Gusto ko man, ay hindi ko magawa. Dahil pag ginawa ko yun, parang pinatunayan ko na rin kay Austin na gold-digger nga ako.

"Sorry ate, pero sana maintindihan niyo ako. Wag kayong mag-alala, dadalaw naman ako dito paminsan-minsan." sabi ko.

Makulit yung anak ni ate kaya gusto niyang magpakarga sa akin pero dahil hindi nga ako pwedeng magbuhat ay nag excuse ako pero ng tumingin ako kay Austin, binigyan niya ako ng matalim na titig. Ang hirap palang makipagsabayan sa buhay nila dito.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now