CHAPTER 52

469 13 0
                                    

JAY'S POV

"Hi ate, good morning! Si mama po?" tanong ko kay ate na naka upo sa sofa pero inirapan niya lang ako.

"Ikaw nga ang dapat kong tanungin dahil ikaw naman itong lagi niyang kasama, ikaw itong lagi niyang bukam bibig, ikaw itong lagi niyang binibida-"

"Ate, I'm sorry, hindi na sana ako nagtanong. Yaan mo hahanapin ko siya." sabi ko na lang at linagpasan ko siya.

"Huy Jared, baka mahulog ka. Ano ba yun? Kapag mataas at hindi mo kayang abutin, ipakuha mo na lang ha. Baka kasi madulas ka at mahulog ka pa." napansin ko kasing may kinukuha si Jared pero hindi niya maabot.

"Yes po . Auntie Arian, alam mo pong mag basketball?"

"Oo, gusto mo laro tayo?" tanong ko.

"Wow! Talaga po!" at tumakbo naman ako palabas. Nakakatuwang makipag laro sa mga bata kaya kinareer ko na ang pagtuturo kay Jared ng basketball. Buti na lang at pinayagan siya ni ate, hmm. Kakatawa talaga ang isang yun, moody. Pero atleast hindi na naman niya binungangaan yung anak niya.

"Hello Jared, hello Arian. Care if I join you two?" lumingon ako kay kuya Casper na naka pang basketball attire din, terno sila ni Jared.

"Okay lang po kuya." nakangiting sabi ko.

Naglaro kami, nakakatuwa din pala itong si kuya Casper na kalaro. May pagka childish kaya bagay sila ni ate. Pagkatapos ay dinalhan kami ni ate Tanya ng snacks. Maganda pala dito madaming food hehe. Naglaro ka lang tas may snack na. Kakatuwa dahil ito yung mga bagay na hindi ko pa nararanasan.

"Ah kuya? Pwedeng mag tanong?"

"Sige ano yun?"

"Si ate bah naglilihi? Ang hirap niya kasing intindihin eh." napatawa siya sa tanong ko.

"No, she's not. Alam mo kasi, inis na inis sa akin yang ate mo. Ewan ko pero ang sungit din niya sa akin."

"Ha? Bakit? "

"Alam mo ayoko sanang sabihin ito sa iyo pero since magaan naman ang loob ko sa yo kaya sige, pero huwag mong iparating sa kanya ha.?"

"Oo  naman. Bakit, may babae ka?" curious na tanong ko at napahalakhak na naman siya.

"Never, alam mo yang ate mo lang talaga ang mahal ko kaya lang eh si Austin ang mahal niya simula noon, kaya nung bumagsak ang AJ Corporation, kina usap ko si papa na pakasalan ko  Anika para siya na lang ang pambayad ng utang dahil nga mahal nila ang factory na yun dahil sa yo naka pangalan at alam kong gagawin ni Anika ang lahat mapasaya lang ang mama niyo. Pumayag naman siya. Kaya lang si Austin pa rin ang mahal niya, first love niya kasi si Austin kaya naiintindihan ko siya. Kaya lang Jay kinamumuhian niya ako."

Nashock talaga ako dahil ganun pala ang nangyari. "Pero kuya? May relasyon ba sila ni Austin hanggang ngayon?"

"Alam kong wala pero nagseselos pa rin ako dahil mas kinaka usap niya si Austin kesa sa akin."

"Pero may anak naman kayo, di ba.?"

"Naku, kung alam mo lang, linasing ko siya noon kaya meron si Jared. Mahal ko silang dalawa kaya kahit hindi niya sinasabi sa akin na mahal niya ako, hindi ko pa rin siya gini give up."

"Yan ang true love. So ano na ang stage niyo ngayon?"

"Parang na fifeel ko na mahal na niya ako pero syempre gusto kong siguraduhin. Bukas ang anniversary namin kaya gusto ko sana siyang isurprise."

"WOW! Gusto ko yan. Pero Sunday bukas di ba?"

"Oo nga, gusto ko sana kahit hindi bongga basta memorable para samin."

"Kung memorable ang gusto mo, di dalhin mo siya dun sa place na hindi niyo pa pinuntahan na dalawa." suggest ko. Matagal itong nag-isip pero wala siyang ma-isip kaya nag suggest ulit ako dahil may na alala ako.

"Kuya may alam ako, pero hindi ko sasabihin. Basta bukas isasama ko kayo,  si mama, si ate ikaw at si Jared. Pagkatapos pwede na kayong pumunta sa park. O di ba. Hindi yun bongga pero memorable dahil papagurin mo siya sa kalalakad sa park."

"Alam mo gusto ko yang idea. Minsan kasi, narinig ko siyang nag wish, na sana daw ordinaryo na lang siyang tao tulad nung mga tao sa park, na may freedom at masaya sa ginagawa nila."

Pagkatapos naming mag-usap ay nauna akong umalis dun sa gilid ng court. Pagpasok ko ay nakita ko si ate na ang sama ng tingin.

"Lahat ng taong nakapaligid sa akin,  inagaw mo. Si Jared, nakuha mo na rin ang atensiyon niya tapos ngayon  pati ba naman asawa ko." napangiti ako dahil sa inaasta ni ate, alam kong mahal niya si kuya Casper.

"Wala ho akong inagaw ate, hindi ko siya pwedeng agawain dahil hindi naman ako  karengkeng na tao. Tsaka ate, kung ayaw mong lumayo ang mga taong mahal mo, bigyan mo rin sila ng atensiyon."

"Eh bakit si mama, lahat na lang ginawa ko para mapansin niya ako, pero yun pala. Ako yung anak na pambayad sa utang, at ikaw kahit wala ka, ikaw lagi ang in alala niya. Ikaw yung best daughter sa ating dalawa eh. Ano bang meron sa yo at ikaw lagi ang center of attention?"

"Anika, what are you saying?" nabigla kaming dalawa ng magsalita si mama sa pintuan.

"Totoo naman yung sinasabi ko ma. Si Arian lagi yang laman ng isip mo. Kahit na nandito na siya, siya pa rin ang priority mo pero ako ni hindi mo man lang ako ina alala, kahit hirap na hirap na ako sa company, sa buhay ko, ni simpleng -"

"Anika-"

"Bakit? Ayaw mong marinig because you know it's true and masakit marinig ang katotohanan."

"Ma, usap na lang muna kayo ni ate." nag excuse ako at iniwan muna sila.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagmuni-muni.

Living in Different World ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon