CHAPTER 43 - hospital

493 13 0
                                    

JAY'S POV

Namulat ako at nasa loob ako ng ospital dahil lahat ng nakikita ko ay puti.  "Lord, thank you po! Sana okay ang ate ko."  Hinawakan ko yung kumikirot na parte ng katawan ko. Parang nanghihina pa rin ako pero gusto kong magreview. Yun agad ang naisip ko ng ma alalang may exam pala ako.

"Ahm ma'am eto nga po pala yung gamit niyo!" sabi ng nurse at inilapag sa mesa ang cellphone. "Don't worry, successful ang operation, you saved a life." nakangiting dagdag niya.

Nginitian ko siya bago ko tiningnan  kung may nagtext. Lahat galing sa classmates ko. May missed call din akong natanggap galing kay mama at kay Austin. Tapos kay Erine. Nagtext ako kaya Erine para puntahan ako sa ospital, siya lang kasi ang pwede kong pagkatiwalaan. Yung iba kasi mga tsismosa't tsismoso.

"Uy Jay! Ikaw pala ang donor eh bakit hindi mo sinabi sa kanila.?" takang tanong niya.

Alam kong nagtataka siya, alam niya kasi kung sino ako dahil businessmen ang pamilya niya at kilala nila si mama. Pero alam  niya rin na hindi ako nakikitira sa kanila.

"Uy sikreto lang nating dalawa yung nangyari ngayon ha??"

"Huwag kang mag-alala hindi ko toh sasabihin sa kahit sino. Kahit sa pinsan mo." nag pinky promise pa siya.

"Eto yung mga napag-aralan namin sa subject na _______. " ang dami munang siyang sinabi bago siya umalis. 

Naiwan akong mag-isa. Buti na lang namove daw yung finals namin sa Monday kaya nakipag-usap ako sa doctora na kung pwede eh palabasin na nila ako sa Sunday man lang.  Sumang ayon naman siya pero hindi ako pwedeng magpagod at humawak ng mabibigat na bagay para maiwasan ang internal bleeding.

Habang nagbabasa ako tumunog yung phone ko.  Si mama pala.

"Hello po mama.!" masayang bati ko.

("hello anak, may kidney donor na ang ate mo at successful ang operation. Tinatawagan kita para sabihing meron na pero hindi ka macontact. Sana dalawin moh siya kung may oras ka." )

"Huwag ho kayong mag-alala, pagkatapos po ng exam ko ay dadalawin ko siya." sabi ko na lang.

("Siyanga pala, may gustong kuma-usap sayo!")

Binigay niya yung phone sa isang lalaki. Boses pa lang kilala ko na.

("Hello, hindi mo man lang ba dadalawin ang ate mo??")

"Pasensiya na, gugustuhin ko man ay hindi muna ngayon dahil hindi pa kami tapos sa finals. Hahanap naman ako ng tyempo." sabi ko.

("Look!! Kung ano man ang galit mo sa kanila, iset aside mo muna. Hindi mo na nga nagawang magdonate kaya sana naman magpakita ka ng konting concern at dalawin siya. ! Lagi na lang pag-aaral ang iniisip mo, sana maglaan ka ng time para sa pamilya moh.!") pangaral niya.

Binabaan ko na lang siya dahil hindi ko na mapigilang pumiyok. Lagi na lang si ate ang priority, alam ba nila kung anong kondisyon ko sa mga oras na ito?? Hindi!! Oo nga hindi ko sinabi pero para saan pa. Hindi naman sila makikinig sa paliwanag ko kaya hayaan ko na lang sila sa kung anong iisipin nila sa akin.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now