CHAPTER 55

494 11 0
                                    

CHAPTER 55

AUSTIN'S POV

Papunta ako sa kwarto ko ng matanaw ko si Jay na pababa sa beach. Madilim pero alam kong siya yun. Naaninag ko ng tumapat siya sa may ilaw. Nacurious ako kung saan siya papunta kaya sinundan ko. Dali-dali akong bumaba at sinundan siya. Nakita ko siyang naglalangoy sa gilid. Pinanood ko na lang muna siya, gabi kasi at alam kong delikado pag gabi. Sa gilid lang siya kanina pero maya-maya eh napapalayo na siya sa pampang.

"Tsk. Tsk. Ano bang ginagawa niya.?' tanong ko sa sarili ko habang umiinom ng root beer. Hinintay ko siyang umahon pero wala siya kaya dali-dali ko siyang sinundan sa may batuhan. Nakita ko siyang nadulas at nahulog kaya napatawa. Pero ilang minuto na ang lumipas, hindi ko pa rin siya makita kaya dali-dali kong sinundan yung lugar kung saan siya nahulog. Nakapa ko yung damit niya at malakas na hinila pataas. Dinala ko siya sa gilid at yinugyog.

"Jay! Can you hear me?" tanong ko pero hindi siya. Kailangan ko na siyang i First aid.

Ilang sandali ay nagsuka na ito ng tubig pero dali-dali ring nawalan ng malay. Agad ko siyang binuhat at dinala sa hotel.  Hindi ko pa natatawagan ang mama niya, inihiga ko siya sa couch at tumawag ng nurse, tinawagan ko rin si auntie Jenny.

"Auntie, andito po siya sa kwarto. Tumawag na rin ako ng nurse, okay naman po siya." sabi ko at sinulyapan siyang natutulog pero nanlaki ang mata ko ng makitang may pilat siya sa tapat ng kidney niya.

Isa lang ang ibig sabihin nito, siya ang kedney donor ni Anika pero paano?  Medyo nagkagulo-gulo ang utak ko at sobra akong naguilty sa mga sinabi ko sa kanya noon.

("Austin, are you still there?")

"Yes, auntie, alam niyo na po bang si Jay ang nagdonate ngkidney ni Anika?" curious na tanong ko.

("No, what do you mean? Malapit na kami jan.") balik tanong niya.

"Okay, mag-usap na lang po tayo dito." sagot at ini end ang tawag.

Hindi pa rin makapaniwalang napatingin ako sa nakalislis na damit ni Jay. Malaking tanong talaga sa akin kung bakit kinailangan pa niyang itago sa mama niya, sa amin na siya ang donor ni Anika. Napahiya tuloy ako sa sarili ko dahil sa panghuhusgang ginawa ko.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ni auntie Jenny at yung nurse na tinawagan ko.

"Oh, how is she?" agad-agad namang dinaluhan ni auntie Jenny si Jay.

Lumabas muna ako para palitan nila si Jay. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ako, narinig ko yung nurse na nagsalita.

"Ma'am Jenny, wala po kayong ipag-aalala kay Jay dahil maayos na po ang kalagayan niya, kailangan niya lang pong magpahinga. Tsaka wala naman po siyang masyadong nainom na tubig. Sige po, alis na ako.."

"Thank you!"  lumabas ako sa kwarto.

"Thank you for saving my daughter, Tsk. Lagi na lang ikaw ang nakaka alam sa pinag gagawa niya bago ako, she must be important to you." nakangiting sabi niya sa akin.

"Sinabi ko na po sa inyo tita noon pa man. Look at her, she's so fragile pero pag gising yan, medyo magulo." 

"Mana siya sa daddy niya. Hindi ko man alam kung paano siya pinalaki ni Marq pero kahit alam kong masama ang ginagawa niya ay hindi niya hinayang pati si Arian ay mapapasama rin.  Yun nga lang may pagkastubborn si Arian."

"I know, I was shock when I saw her scar, accidentally."

"Yeah, ako din. I called doctora at inamin niya na si Jay nga pero nagmaka awa daw si Jay na huwag daw niyang ipa alam. Ang sabi pa niya, siya daw ang magsasabi sa akin pero ewan ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya nasasabi."

Living in Different World ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon