CHAPTER 54

503 12 1
                                    

CHAPTER 54

JAY'S POV

Ang saya saya naman ng buhay na ganito pero bigla akong nalungkot ng maisip si tatay. Sana kasama namin siya ngayon. Alam kong malabo na pero sana, kahit sa ganito man lang na lugar dinala ko siya. Hayy talagang ganito ang buhay. Lumabas ako para hanapin yung dalawang yun.

Naka walking shorts lang ako na maong at sando. Ayoko ngang mag mini. Lumabas ako sa room namin ni Erin dahil kagigising ko lang, hindi man lang niya ako ginising.

Paglabas ko ay nagkasalubong kami ni Jazz. Na pagod na pagod.

"Cuz, nyare sayo?" tanong ko.

"Help cuz, nawawala si Erin." sabi nito.

"Eh baka naman nasa beach naglalangoy." sabi ko.

"Wala siya hindi ko siya makit dun." sabi niya at hinila ako.

Linibot namin lahat ng pwedeng libutin pero ni anino ni Erin ay hindi namin makita. Hindi pa namin sinasabi sa iba dahil baka magpanic sila.

"Jazz, sabihin na natin kay mama." sabi ko.

"Teka nga! Ayun siya." sabi nito at dali-dali naming linapitan pero nagulat ako ng biglang umasim ang mukha ni Jazz.

Napangiti ako ng makita si Erin na may kausap nagwapong  mestizo. Na sa tingin ko eh nagtatanong lang naman ng direksyon.

"Erin?" kaway ko pero pinigilan ako ni Jazz. Nang palapit na sa amin si Erin ay tumalikod si Jazz at nag walk out.

"Napanu si Jazz.?" takang tanong niya sa akin.

"Nagseselos.!" sabi ko. Nagulat siya.

"WHAT?" naguguluhang tanong niya.

"Tinopak eh, hinanap ka namin kanina pa tapos andito ka lang pala na may kausap na lalaki kaya ayun nagselos." sabi ko. Ayoko ng magdeny kay Erin. E totoo naman.

"Bakit naman siya magseselos?"

"Eh malamang mahal ka nun."

"Ano ba naman si Jazz. Nagtanong lang yun."

"Ma tanong nga kita bess, nagu gwapuhan ka ba kay Jazz?" lakas tanong ko.

"Bess naman, kahit bading yun na aattract pa rin ako sa pinsan mo. Ang gwapo gwapo niya kaya." parang kinikilig na sambit niya.

"Eh kung sakaling ligawa ka niya, sasagutin mo ba siya?" biglang napawi ang ngiti niya.

"Ano bang pinagsasabi mo bess. Malabo yang sinasabi mo." sagot niya.

"E malay mo may gusto pala siya sayo."

"Alam mo, ewan ko sayo. Basta malabong mangyari, nakita ko mismo ang inasta niya nung nadatnan ko siya sa kwarto niya, parang babae kung umasta. Kaya 100% sure ako na bading si Jazz." sabi nito.

"Well, tignan natin."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Pero pinapantasya ko ang pinsan mo, ayoko lang ipilit ang sarili ko sa kanya." dagdag pa niya.

Pinuntahan namin si Jazz na naka upo sa may batuhan. Yung iba naman, ewan ang ginagawa, si Austin, kuya Pat at si ate Jaja ay nakiki beach volleyball. Hmp. Hot ni Austin ah. Huwaw. Abs! Ay erase erase. Hindi ko siya dapat pinapansin.

"Uy Jazz, karera tayo sa swimming." sigaw Erin.

"Kayo na lang, mamaya mawala ka na naman." tampo niya.

"Sorry na bess, hindi ako nagpa alam sayo, pumunta lang ako sa cr." sabi nito sabay hug sa likod ni Jazz.

"Jay, palitan mo si ate mo Jaja, dali." tili ni ate Arian. Ha bakit ako.

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now