Chapter Two - My Brat sister is Back

933 23 0
                                    

CHAPTER TWO

JAY'S POV

"ARAY ku poh.. Kanina pa ako nakapila dito anoh." maktol ko ng may sumingit na babae kasama ang nanay niya. Inirapan nila ako at pumunta sa dulo ng pila pero may narinig akong sinabi nung nanay niya.

"Hindi man lang gentleman."bulong niya.

Ano daw????? Hello, babae rin kaya ako. Kainis nga lang at astang lalaki ako. Idagdag niyo pa ang hindi kalakihang boobs ko. At ang boses ko na hindi malambing. At ang pinaka worst, male ang gender ko sa birth certificate ko. Eh di wala na akong magawa kundi ang magpakalalaki. Papalit ko sana kaso kailangan ng malaking pera at tsaka kailangan ng abogado. Mahirap din pala ang proseso, eh kasalanan ko ba, kasalan nung nagtype ng gender ko, buti sana kung spelling ng pangalan ang namali, baka pwede pa. Pero hindi eh, gender ko. Ano na lang ba ang gagawin ko. Magpakalalaki hanggang sa mamatay.

Ayun ako na pala ang magpapainterview. Nandito ako sa isang public university na ang pangalan ay, (ano kaya, yung hindi na lang kilala, hmm.) _____ State University. Basta full scholarship ang inaplayan ko dahil hindi kasya ang kinikita ko para mabayaran ang tuition ko kahit pa sabihin nating cheap ang tuition nila dito, mahal pa rin ang tingin ng mga mahihirap. Dahil nga walang pera eh.

Madaming question ang tinanong nung teacher sa akin. Pagkatapos ay pinapasok ako sa isang room, exam na daw agad para sa screening. ANOH???? Tumambay ako ng three years bago mag college tapos exam agad. Anong alam ko naman dito.???

Sige, sagot sagot lang Jay, kaya moh yan. Pagpapalakas ko sa sarili ko. Ilang oras na ang lumipas. Ayun, tapos ko na. Ngyeh!!! Ang aga ko naman, bakit ang tagal nila. Lumabas na ako at pinasa yung papel. Hintayin ko na lang daw sa waiting area kung ano ang resulta. Umupo ako dun at nagmuni-muni. Haisssttt.!!! Tagal naman ata. Baka hindi ako nakuha. Tatayo sana ako ng tawagan ang pangalan ko. Dalidali akong pumasok sa loob.

"You are one of our lucky scholars Mr. Nortez. I hope you will not disappoint us. Enrolment will be on May 23 to June 4. Classes will start on June 6."

madami pa siyang sinabi pero hindi macontain ng utak ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na pasado na ako. YESSS!!!! Makakapag-aral na ako. Computer Secretarial lang naman ang kukunin ko. Gusto ko sanang maging agent kaya lang, kulang ang budget. Walang Criminology sa school na papasukan ko kaya yun na lang.

Pumasok na ako sa deVizzaro. Janitor ako dun at kailangan kong pumasok para hindi ako masisante. Para may allowance ako sa opening.

AUSTIN'S POV

Pauwi na ako sa Manila. Gaya ng dati, naka private chopper lang naman ako. Hindi ako nakauwai last week dahil nadagdagan ang gagawin ko. Bestman kasi ako sa kasal ni Jairus kaya kailangan kong pumunta.

Kabababa ko lang sa chopper ng magring ang phone ko. Sinagot ko yung tawag ng lumipad ulit ang chopper. Nilagay ko yung earphone sa tainga ko at mabilis na lumakad papunta sa elevator.

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now