CHAPTER 42

473 12 0
                                    

JAY'S POV

Malapit na ang finals kaya kinakailangan kong mag concentrate sa pag-aaral. Mahirap na at baka mawalan na naman ako ng scholarship. Nakakahiya naman kay mama kung malaman niyang nawalan ako ng scholarship matapos akong magmalaki na kaya kong tumayo sa sarili kong paa.

"Jay may naghahanap sa yo. Kyahh ang gwapo. Kaw ha, may tinatago ka pa lang fafa..!! Kala ko tomboy ka.." si Dane, bading na classmate ko.

"Huh? Anong itsura??" curious kong tanong. Wala naman kasi akong kilalang nilalang na pwedeng mag aksaya ng oras para lang makita at maka usap  ako. Sino ba ako ?

"Si Austin, oh my gosh you didn't told us na kilala mo pala siya.!" si Erine.

"Ha?? Nandito siya.! Saan??"

"sayted much!!! Hoy pano mo naging kaibigan si Austin??" si Jazz na kararating lang.

"Nasa faculty ata, humihingi ng permiso na ilabas ka. Kilig  naman ako." si Erine.

"CHEH!!! Mga gagi!!"

Dali-dali akong lumabas sa room at pinuntahan siya. Ano naman ang kailangan niya sa akin??? Bakit hindi niya hintayin na matapos ang klase namin.? Nakita ko siyang naglalakad papunta sa kabilang building. Nag short cut kasi ako.

"Anong kailangan mo sa akin at  hindi ka makapaghintay na matapos ang araw na ito??" sabi ko habang nakatalikod siya. Humarap siya sa akin.

"Hindi tamang pag usapan yan dito. Sumunod ka!!" sabi lang niya at mabilis na tinungo ang parking lot.

Nang dalawa na kami ay nagsalita na ito.

"How much do you want just to say yes!?" tanong niya.

Hay ayan na naman ang mapanghusga niyang tingin.

"Pwede ba wala akong alam sa pinagsasabi mo kaya umalis ka na lang sa harapan ko.!" galit na sabi ko.

"Talaga bang wala kang puso??? My gosh kadugo mo siya pero hindi mo magawang tulungan???"

So si Anika pala ang pinunta niya dito. Sabi ko na nga ba at mahal pa niya ang kapatid ko.

"Wala kang alam kaya wag mo akong husgahan." sabi ko na lang at tumalikod.

"She's dying, you know that??? Pero wala silang mahanap na ibang donor dahil mahirap makahanap ng taong pwedeng magbigay ng kidney niya sa hindi niya ka ano-ano  maliban sayo. She's running out of time. Jay ako na ang nakiki-usap sa yo. Kung may pagmamahal ka pang natitira para sa pamilya mo magpakita ka man lang ng konting concern. Money & fame can fade away but your  family will always stay.." seryosong wika niya.

Ayokong umiyak sa harapan niya kaya pinagpatuloy ko ang naudlot kong pag wowalkout.

Alam ko naman at hindi mo kailangang ipamukha sa akin. Naghihintay lang ako ng tamang oras dahil exam namin bukas hanggang Friday kaya hindi ako pwedeng ma admit sa ospital ng mahabang panahon. Pero kung wala ng oras di ngayon na. Tinawagan ko muna si Erine. Tahimik lang akong lumuluha, lagi na lang si Anika, paano naman ang buhay ko?? Wala ba akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko??? Ayokong mawalan ng scholarship at ayokong maulit na ma drop sa school dahil mahirap mag-umpisa.

Pagod na ako sa kakasimula ng bagong buhay. Mahirap at nakakapagod!! Hindi ba pwedeng Friday na lang.. Friday man lang pagkatapos ng Final exam??

"Hello, p-pwedeng paki sabi kay ma'am na hindi ako makakapag exam. Kailangan kong pumunta sa ospital, naospital si ate. At kung pwede paki e-mail sa akin yung mapapag-aralan niyo ngayon??" say ko kay Erine at Jazz.

Matapos ang mahabang pakiki-usap ay dumiretso ako sa ospital. Nagpacheck up muna ako kung pwede at hindi naman nagdalawang isip yung doctor na kunin akong donor ni ate. Naki-usap rin ako sa doctor na kung pwede ay wag niyang sabihin na ako ang donor ni ate. Pwede pala yun! Dumaan muna ako sa room niya pero hindi ako nagpakita. Madaming nagmamahal sa kanya kaya hindi ko sila masisisi kung ganun na lang ang pag-aalala nila sa kapatid ko. Kung iisipin ang swerte niya pero maswerte ako dahil kailan man ay hindi ako naospital pero si ate Anika ay labas masok sa ospital na ito.  Nakita ko rin kung gaano sumigla si mama at si Austin ng sabihin ng doctor na may donor na si ate Anika.

Lord, gabayan niyo po kami ng kapatid ko. Sana po maging successful ang operation namin at yung kidney transplant niya.

Taimitim akong nanalangin habang pinapasok nila ako sa operation room. Wala akong guardian pero okay lang dahil hindi naman ako below 18 years old. Malapit na nga akong mag twenty eh.

Living in Different World ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon