CHAPTER 39

528 10 0
                                    

AUSTIN'S POV

Nasa meeting ako ngayon at apektado ako sa mga nakikita ko. Ikaw ba naman ang nagpapameeting pero parang walang concentration yung ibang members ng committee. Okay, I know this is an emergency meeting pero kailangan pa rin nilang magconcentrate sa mga sinasabi ko. Tumingin ako kay Mrs. Germoso. What is happening to her?? Sobrang lungkot niya at nakita kong nagpahid siya ng luha. Alright, I know it's because o Jay again.

Nang matapos ang meeting ay linapitan ko siya. Bumuntong hininga siya ng makita ako.

"Pasensiya na kanina iho, hindi ko dapat dinadala ang problema ko sa loob ng conference room kaya lang hindi ko talaga maiwasang isipin ang sitwasyon namin ng anak ko. *sigh* Kagagaling ko lang kasi dun kaya dala-dala ko yun hanggang sa meeting."

"Naiintindihan ko po kayo auntie. Hayaan na lang muna natin si Jay, alam kong gusto niyo na siyang iuwi pero hayaan niyo na lang siyang mag-isip-isip. Alam kong balang araw babalik siya sa inyo. And I'll do my best to convince her." nakangiting saad ko.

Kinuwento niya yung nangyari na encounter nila ni Jay. Naiinis ako sa pagiging hard headed ng babaitang yun. Kahit kailan talaga, pinapainit niya yung ulo ko. Nang maghiwalay kami ni auntie Jenny ay tinawagan ko si Jay. Gusto ko lang siyang pagsabihan sa pakikitungo niya sa mama niya.

Nakailang dial ako bago niya sinagot. Kakahighblood talaga.

("Ano bang kailangan mo ha??") pasinghal na sagot niya na lalong nagpainit sa ulo ko.

"Jay, hindi bato ang mama mo, she can be hurt, alam mo bang dahil sa yo nagdedegrade ang performance niya sa company. She always think of you kung paano mo siya matatanggap pero ikaw pinagtutulakan mo siya palayo. Ano ba talaga ang gusto moh ha?? Kahit ayaw mo pa sa kanila, irespeto mo siya dahil siya ang nagluwal sayo." dirediretsang saad ko.

("Alam mo, paki alamero ka kasi eh. Siguro naman nakakaintindi ka ng english. MIND YOUR OWN BUSINESS!") bulyaw nito at pinatayan ako. ABA'T!!! Sumosobra ka na JAY!!!!! Bwisit na binato ko yung phone ko sa sofa.

JAY'S POV

Nabwisit ako kay Austin sa pakiki alam niya. Pwede ba I need space muna. Hello may sarili akong isip at puso. Nasasaktan din kaya ako. Akala ba nila madali lang ang sinasabi nila. Hindi ako plastic para makipagplastikan sa mga tao. Isa pa siyang dagdag sa problema ko. Hay!!! Bakit ba kasi may mga sikreto ang buhay ko. Mula nung pinanganak ako, madami ng nakatagong sikreto sa buhay ko at ngayon ay unti-unting naibubulgar. Hay ewan.

"Hoy Jay! Bakit ka pala kinausap ni tita kanina??" si Jazz.

"May sinabi lang siya, bakit??" tanong ko.

"I know she's a very busy person that's why I'm wondering why she came here just to talk to you. You must be a very important person. Hindi yun kasi mag aaksaya ng oras para lang kausapin ka."taas kilay na sagot niya.

"Eh bakit moh alam?" Oo nga paano niya nalaman yun.

"Of course, tita ni Jazz si  Mrs. Germoso kaya nga tita ang tawag namin sa kanya. Pero ako nakiki tita lang dahil magkalapit lang mga bahay namin." natutwang sabi ni Erine.

"Weh, di nga??" hindi pa rin ako makapaniwala. Ah baka

"Ah tito mo asawa niya kaya tita mo rin siya.?"

"Nope, magkapatid talaga sila ng mommy ko.." sabi ni Jazz na hindi pinakulot yung boses.

"Ahm so pinsan pala kita." bulong ko.

"Ha??"

"Wala!" bigla akong sumigaw.

KRING

"No ba yan!! Time na naman!" reklamo ni Erine. Sabay na kaming pumasok sa klase namin.

Simula ng araw na yun hindi na ako dinadalaw ni mama, tumatawag lang siya para kumustahin ako. Natutuwa na rin ako na hinahayaan muna nila ako sa ngayon. Hindi ko naman sinasabing ayaw kong umuwi sa bahay nila, hinihintay ko lang yung tamang panahon. Kapag maayos na ang lahat siguro, hindi ko naman pwedeng baguhin agad ang pamumuhay ko dahil itong pamumuhay ang namulat sa akin kaya hirap rin akong mag adjust kung sakali. Parang tumama lang sa lotto ano?? Instant mayaman na ako kung sakali pero hindi ko naman gusto. There are things which are better left unsaid ika nga nila. Hmp! Si Koto ang dapat kong sisihin eh, kung ano kasing sinabi kay mama. Pero di ba sabi nga sa bible, everything happens for a reason to them that loved the Lord. Naku Lord, ikaw talaga  ang dami mong surprise noh?? Yeah I believe in God kahit ganito ako. Gusto ko ring mamuhay ng normal na free akong gumagalaw, hindi yung may tinatago ako pero kung minsan, kailangan rin ng tao na magsinungaling para maprotektahan lang ang ating sarili, di ba?? Pero hindi rin ito pangmatagalan eh. Mabubulgar at mabubulgar din naman.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now