Chapter 38

9.8K 246 8
                                    

Dumaan ang ilang araw at halos hindi na kami mag imikan lalo na pag nasa bahay

Madalas ay gabi na rin sya umuwi at halos hindi na kami nag kikita ng gabi

Simula ng araw na iyun ay naging malamig ang pakikitungo nya saakin

Hindi ko sya masisisi dahil ako mismo ang nag lalayo ng sarili ko sa kanya



Napa tigil ako sa pag liligpit ng makita ko syang bumaba at nag katitigan kami parehas

Saglit din sya napatigil, ngunit sya ang unang bumitaw at naupo sa hapag kainan

Tumigil ako sa pag liligpit at pinunasahn ang basang kamay upang hayinan sya ng pag kain

Walang kaingay ingay at tanging tunog lang ng air con ang maririnig, ganon katahimik kahit pa dalawa kami doon

Maya maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng cellphone at pasimple ko itong tiningnan

Nakita ko na sakanya ito at naroon sa screen ng cellphone ang pangalan ni Akisha

Kinuha nya ito at sinagot kung kaya't napaiwas ako ng tingin at nag patuloy sa pag hahain sa kanya

"What?" Baritonong boses na usal nya

"Sir, I just want to remind you na we will have a meeting at 8am sharp."

Nakita ko na napatingin sa relo nya si Silas at automatic na nangunot ang noo nya dahil malapit na mag 8am

"Shit." Turan nya

Narinig ko na tumawa ang babae sa kabilang linya kaya nais umikot ng mata ko dahil don
"I told you, andami mo kasing ginawa kagabi. Well, thank me dahil tinulungan kita."

Nangunot ang noo ko, kagabi? Halos madaling araw na umuwi si Silas kaya nga hindi din sya nakabangon ngayon ng maagap

Nagulat ako ng mahinang tumawa si Silas sa kausap

"Yeah, thanks for that Akisha. You're a big help." Ngisi ni Silas

"Bolero! Sige na Sir! Big investor ang kausap natin mamaya. You eat first okay? Byee!!"

"Yeah right. Bye" Turan ni Silas at ibinaba nya ang cellphone

Akala ko kakain na sya ngunit tumayo sya, hindi na ako nakatiis at nag salita

"Hindi ka kakain?" Tanong ko

Napa lingon sya at walang emosyon na tumango

"I will be late." Tipid na turan nya at umalis na papuntang taas

Ganon, palaging ganon na lang

Kinuyom ko ang kamao ko, gusto ko syang tanungin ngunit pakiramdam ko ay wala akong karapatan

Wala ako nagawa nang umalis sya at hindi manlang kinain ang niluto kong ulam para sa kanya

Napabuntong hininga ako at umupo, hinawakan ko ang tyan kong may kalakihan na

Problemado akong tumingin sa pintuan kung saan sya lumabas

Mag kakaanak na kami't lahat ay ganito parin ang sitwasyon namin

Mahal ko sya, alam ko sarili ko na walang makakapantay sa pag mamahal ko sa kanya

Ngunit pakiramdam ko, hindi kami bagay.

Gasgas na ang kasabihan na langit sya lupa ako, ngunit ito ang pinaka ayon na pwedeng ihalimbawa saaming dalawa

Galing sa mayamang pamilya, sikat, maraming babae ang humahanga sa kanya, matalino at lubos ang kagwapuhan

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz