Chapter 25

10.1K 232 8
                                    


Tatlong araw ang lumipas nang makatakas ako kay Silas

Hindi nya ako sinundan sapagkat pinag tulungan sya ng triplets nyang kapatid upang patulugin

Muntik na akong lumabas sa kinatatayuan ko non, nag alala dahil sinaktan nila si Silas dahil nag wawala ito ngunit wala akong ibang pag pipilian

Alam ko naman na ginawa nila iyun upang pigilan si Silas dahil sobrang lakas nya. Pati kapatid nya din ay nadadamay at nasasaktan pag wawala nya

Na tila ba parang nawala sya sa wisyo kaya alam ko na ginawa lang din ng kapatid nya ang nararapat bago pa may ibang tao na madamay

Kilala ko si Silas, wala syang sinasanto pag galit.

Mabigat man sa kalooban ay umalis ako nang araw na yun, iniwan ko ang Maynila, iniwan ko si Silas.



Tatlong araw na ang nakalipas ngunit hindi ko pa din mapigilang mag alala
Kahit gusto kong layuan si Silas at kalimutan na nya ako, ay gusto ko parin masiguro na ayos ang kalagayan nya





Mahal ko na sya kahit anong pigil ko, ngunit hindi tama ang nangyayari saaming dalawa.

Masyado na syang maraming kaaway dahil saakin at iyon ang pinipigilan kong mangyari

Kaya kahit ayoko syang iwan ay wala ako magagawa, isa pa kailangan ko muna ayusin ang nangyayari kay Aiden

Pag dating ko sa probinsya ay hindi ako nag pakita kila Inay, mabuti nang wala silang alam

Tanging ang Ina lang ni Aiden ang may alam na narito ako, at tatlong araw na din mula nang makarating ako dito na walang malay si Aiden

Nakita ko na nakabenda ang braso nya alam ko kung sino ang may gawa nun

Nagtamo rin sya ng maraming pasa sa mukha at hanggang ngayon ay di pa din sya nagigising buhat nang ginawa nya sa sarili nya

Nalipat ang tingin ko sa pala pulsuhan nya, may benda din iyun at sya ang gumawa non

Hindi ko mapigilan maluha, hindi ko akalain na aabot sya sa ganito

Napaka bait nyang nobyo at kaibigan, paano napunta sa ganito?

Kahit anong kasalanan nya sakin ay di ko maiwasan na maawa sa kanya

Ang masigla nyang mukha ay ngayon ay napupuno na nang pait





Bumuntong hininga ako at tumayo, ngunit pag tayo ko ay biglang nawala ang paningin ko

Napa balik ako sa pag kakaupo nang makaramdam ako ng matinding liyo


Ano bang nangyayari saakin? Nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang akong naliliyo

Gawa ba ito sa stress?

Siguro nga, dahil ilang linggo na akong hindi kakatulog ng maayos tapos ay hindi maka kain ng maayos dahil sa mga nangyayari




Ilang minuto pa ay umayos na ulit ang pakiramdam ko, tumayo ako at tiningnan si Aiden

Bibili muna ako ng makakain dahil sobrang kumakalam na ang sikmura ko.
Gutom na gutom ako pakiramdam ko ay isang buwan akong di kumain

Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay natakam ako sa Ice cream?

Eh? Hindi naman ako mahilig don dahil hindi na naman ako bata?
Sa bagay, walang piniling edad ang pag kain ng ice cream kaya sige, bibili ako








Habang kumakain ay nakita kong tumatawag si Demi

Agad ko itong sinagot

"Hello Demi Kamusta?....M-May balita ka ba kay Silas?" Humina ang boses ko sa huling sinabi ko

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon