Chapter 4

14K 298 37
                                    

"Hey Nanny! Pst oyy!" Napabuntong hininga ako at lumingon sa kanya

Pag katapos ng mga bilin ng doctor ay agad itong nag pauwi na sa magulang nya

Pinayagan na din naman palabasin sa Hospital sapagkat nag papagaling na lang ito ng pilay nya

Kasalukuyan kaming nasa condo na nya, at nasa kusina ito habang kumakain


"Bakit? Anong ipapagawa mo?" Turan ko at lumapit sa kanya



"My hands hurt, siguro epekto pa ng aksidente I don't know. Can you help me with my food?" Naka ngiti nyang turan

Walang imik akong lumapit at naupo sa kalapit nya

Dahan dahan ang ginawa ko dahil baka maapakan ko ang paa nyang naka benda

Kumuha ako ng kutsara at nag lagay ng pag kain dito

Sinubuan ko sya at ngiting ngiti nya iyung tinanggap at kinain

Hindi ko alam ngunit kanina ko pa na papansin na nag pipigil syang ngumiti o parang ang saya saya nya

May naaksidente ba na naging masaya pa?

Sya lang ang bukod tanging kilala ko na ganon, napilayan na lahat ay masaya parin

Siguro nga ay nakalog ang utak nya kung ganon







"I need water." Nguso nya sa tubig


Nakunot ang noo ko, akala ko ba binti at paa lang ang may tama sa kanya

Bakit parang pati kamay nya ay naapektuhan

"Opss, don't get me wrong. You see, kagigising ko lang mula sa accident. And I know my body's not really feeling well until now." Patay malisya na turan nya

Hindi ako umimik at ginawa na lang ang inuutos nya, dahil kaya nga ako narito ay upang tulungan at alagaan sya pansamantala



Lumapit ako sa kanya at dahan dahan yumuko upang painumin sya

Kumuha ako ng towel upang ilapit sa baba nya para hindi sya mabasa pag nag kataon

Napansin ko na biglang namula ang tenga nya nang lumapit ako sa kanya at umiwas ng tingin


Uminom sya at pag katapos nun ay tumikhim sya


"H-Hey are you trying to seduce me?" Ngisi nya sakin

Napakunot ang noo ko dahil sa dumi ng iniisip nya


"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko sa kanya





Hindi sya umimik at ngumisi lang, kasabay ng pag baba ng mata nya papuntang dibdib ko



Nanlaki ang mata ko nang mapansin kong medyo bumaba ang t-shirt ko dahilan para makita ng kaunti ang cleavage ko

Siguro nung pinainom ko sya dahil tumungo ako!




"A-Ano..?! H-hoy ang dumi ng isip mo!"


"Hmm? Wala naman akong sinasabi ah? I'm just asking you if ever, kaya ko naman gumalaw kahit pilay ako." Kindat nya

Nanlaki ang mata ko, tama ang naiisip ko o sadyang makasalanan lamang ako?!





Pumikit ako at bumuntong hininga, isang araw pa lang parang di ko na kakayanin ang kapilyuhan nya!




"Silas, Nanny mo ako pansamantala. Kaya mag tulungan tayo upang mapadali ang trabaho." Seryosong turan ko sa kanya

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon