Chapter 10

13.5K 309 27
                                    

Lumipas ang ilang linggo at naging maayos naman ang samahan naming dalawa

Gaya nga ng gusto nya, nanatili ako bilang Nanny nya.

At sinunod nya ang sinabi nya, hindi na nya binabanggit ang mga kalokohan na sinasabi nya, tulad ng gusto nya daw ako

Kahit minsan ay hindi parin nawawala ang pagiging pilyo nya ngunit mas lumalamang ang pag babago nya

Natutuwa si Ma'am Laura dahil doon, dati daw ay halos hindi na ito umuwi sa condo nito at palaging tambay pag hindi sa Bar ay sa Car razing na sobrang delikado

Dati daw ay palagi din itong lasing at halos late na pumapasok sa skwela.

Maraming nag bago, madalas na syang palangiti at mabait sakin.

Palagi na din syang nag sisipag at hindi na ginagabi ng uwi.

Sa madaling salita, bumait na si Silas

Napangiti ako nang maisip ko iyun, tama ako. Bata pa lang talaga sya at kailangan ng maayos na gabay














Alas sinco na ng hapon at maya maya lang ay tiyak nandyan na si Silas

Lagi na syang pumupunta sa coffee shop kung saan ako nagtratrabaho.

Kapag sibig na sila sa skwela ay dito na ang daretso nya at hindi na pumupunta kung saan saan



Hindi ako nag kamali at maya maya pa ay dumating na si Silas

"Flowers for my beautiful Nanny." Kindat nya

Natawa lang ako habang sya ay naka ngiting lumapit saakin at inabutan ako ng bulaklak.

Araw araw nya ito laging ginagawa

Ngumiti lang ako pabalik at pinaupo sya at ibinigay ang nakasanayan na nyang order.

Ganito lagi ang set up namin, aantayin nya akong matapos sa trabaho at sabay na kaming umuwi.



Maya maya pa ay lumapit sya sakin at nag paalam

"Heyy, Aalis lang ako saglit. Wait for me okay?" Nakita ko na ibinaba nya ang phone nya at nakita ko ang pangalan ng nanay nya doon

Marahil ay tungkol sa pamilya nila

Tumango lang ako pag tapos non ay umalis na sya


Makalipas ang isang oras, nag datingan ang mga barkada nya ngunit wala sya don

Napapansin ko din na madalas na syang hindi sumasama sa barkada nya, at palagi na lang ako ang kasama

Dahil shift ko, ako ang lumapit sa mga ito

"May I take your order pls." Magalang na turan ko


"Pare yung girlfriend ni Silas." Bulong nung isa

"Miss, kailan pa naging kayo? Mukhang under mo sya ah haha bumabait e." Kantyaw nila

Ngumiti lang ako at hindi nag salita

"Kaya naman pala good boy na si loko, may inspiration na wahahaha." At niloko nila si Silas kahit wala dito at di naman totoo

"Nag kakamali kayo, Nanny lang nya ako." Ngiti ko sa kanila



Nag taka ang mga ito,

"Talaga ba? Ang sabi kasi samin ni Silas girlfriend ka na daw nya. Ang totoo nyan kalat na sa school namin na may girlfriend na si Silas. Kaya ayon, maraming umiyak na girls hahah."

Napailing na lang ako, puro talaga kalokohan ang batang yun

"Pero miss, kung nag sasabi ka nga ng totoo na hindi mo sya boyfriend. Nako mag iingat ka, kilala namin si Silas magalit. Para syang demonyo at walang makakapigil." Turan ng isa

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon