Chapter 2

14.6K 338 34
                                    

Alas kwatro na ng madaling araw at bigla akong tinamaan ng antok

Hindi pwede dahil mamayang 6am pa ang out ko

Para hindi maboring ay lumabas muna ako saglit upang mag pahangin, tutal wala na din namang ibang customer na dumadating. Marahil ay madaling araw na nga


Umupo ako at pinag masdan ang mga nag kikislapang mga bituin.

Nay, tay, At sa iba ko pang mga kapatid, wag kayo mag alala. Pag nakaipon si Ate, babalik na ako sa ating probinsya at dyan na ako mag tratrabaho.

Malapit na akong maakalis sa malungkot na lugar na ito, sa Maynila.

Kunting tiis na lang.





Tatayo na sana ako upang pumasok kaya lang ay may mabilis na nang yari sa tapat ng coffee shop namin sa may kalsada

Nanlaki ang mata ko nang makita na kotse at big bike ang nag banggaan!




Lumabas ang isang lalaki sa kotse habang tumutulo ang dugo sa noo nito

Agad akong napatakbo sa lalaking naka motor at sinipat ito dahil hindi ito gumagalaw



Tinanggal ko ang helmet nito at laking gulat ko nang makilala ang mukha nito

Ito yung batang pilyo na nasa coffee shop namin! Si Silas!



Tinapik ako ng marahan ang mukha nito at ginising ngunit hindi ito nagigising
Dumudugo din ang kaliwang noo nito.



"Tumawag po kayo ng ambulansya, biliss!!" Taranta kong turan


Nag kagulo ang iba pang tao at dinaluhan ang laman ng kotse na isang lalaki. Hindi masama ang tama nito, habang ang binatilyong si Silas ay nawalan ng malay


Dumating ang ambulansya

"Ma'am sumama po kayo, kayo po muna ang mag silbing guardian nya." Turan ng rescuer at hindi naman ako nag dalawang isip





















Pag dating sa hospital ay agad nataranta ang mga nurse at doctor na naroon nang makilala kung sino ang pasyente



"Bilisan nyo! Pag may nangyaring masama kay Sir Silas, tayo ang malilintikan kila Sir Kiru!" Tarantang turan ng mga doctor at nurse

Kilala pala siya dito, marahil ay galing siya sa kilalang pamilya











Maya maya pa ay may dumating na magandang babae na maedad na ngunit di halata dahil sa ganda at amo ng mukha nito

Umiiyak ito habang may kasunod na apat na gwapong lalaki, na maedad na din ngunit hindi nawawala ang kagwapuhan.

Kahawig nila si Silas





"JUSKO ang anak ko!! Ang anak ko nasan ang anak ko, anong nangyari kay Silas?!" Umiiyak na turan ng ginang



"Wife calm down, everything's gonna be alright." Batid ng lalaking maamo ang mukha

"Hans! Paano ako kakalma! Anak mo ang naaksidente!" Patuloy na iyak nito

"Wife, pls don't stress your self." Ayo ng nakasalamin na lalaki

Umiling ang ina ni Silas, "Kiru! Hindi ko alam kung kakayanin ko pag may masamang nangyari sa anak natin!" Umiiyak na turan nya at niyakap naman ito ng lalaking masungit ang awra


Teka, lubos akong naguguluhan.
Sino ba ang tunay na ama ni Silas?




Hindi ko na iyun pinansin at lumapit sa kanila

"H-Hello po, kayo po ba ang nanay ni Silas? Napulot ko po kasi ang mga ito, kay Silas po yan sa tingin ko."

Napalingon ito saakin

Inabot ko sa kanila ang cellphone at wallet na nahulog ni Silas nung naaksidente sya

Kinuha nila ito at tumingin sakin ang Ina ni Silas



"Ikaw ba Hija ang nag ligtas sa anak ko? Kung hindi ka agad tumawag ng ambulansya ay tiyak masama ang magiging lagay nya ngayon. Maraming salamat Hija."

Ngumiti lang ako dito

"Walang ano man po iyun, kahit sino po ay gagawin iyun pag may ganong nangyari." Ngiti ko sa kanya

Ngumiti lang ito saakin

"Sige po, una na ako."

Naka tingin lang ito saakin habang nakangiti ng malungkot

Tumalikod na ako



"Sandali lang..."

Napalingon ako nang tawagin ako muli ng Ina ni Silas






Umabante ang isang lalaki na nakasalamin at nag salita, "We have an offer for you."

"P-Po?" Nagugulumihanan kong tanong




"Be my Son's Nanny." Tipid na sambit ng isa sa lalaking kasama ng ina ni Silas


"P-Po?." Ulit ko, sa tingin ko ay nabibingi ako

"Pakiusap, hanggang sa maging maayos ang lagay nya. Bantayan mo sya, pakiusap." Lumapit ang nanay ni Silas at hinawakan ang kamay ko

Napalunok ako dahil sa gusto nilang mangyari

Ako magiging nanny ng anak nila?!
Magiging nanny ng batang pilyo na si Silas?!








########




#pinaka green si Silas sa lahat ng Santillan don't worry mga bhie😃💀

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Where stories live. Discover now