Chapter 5

14.1K 301 18
                                    

Pag dating namin doon ay naabutan namin na nag kakasiyahan na ang mga naroon

Sa tingin ko ay puro mga college student ang naroon kaedad lang ni Silas

May nakakabinging tugtog at nakakaduling na iba't ibang kulay ng ilaw.

Isa lang napag tanto ko, Birthday party.


Tinulungan ko syang akayin habang naka wheel chair

Sa bahay ay naka saklay lang sya , ngunit pag ganitong matao ay nag we-wheel chair sya dahil payo ng doctor na dapat huwag magagalaw ang kanyang paa. Lalo na pag nasa mataong lugar









"Silas! Man! Buhay ka pa pala!" Naki pag apir sa kanya ang mga barkada nya nang madatnan namin sila







Hanggang sa maya maya at nalipat ang tingin sakin ng mga ito

"Bro what the hell??" Nag tataka ngunit naka ngising turan ng mga ito

"She's my Nanny," Ngisi nya

"Damn dude, paano ka nag karoon ng ganyang kaganda na yaya? Shit sabihin mo at mag papapilay na din ako." Halakhak nila

Hindi ko sila marinig masyado at wala akong maintindihan dahil sa ingay dito

"Nah, you can't coz she's only mine." Ngisi ni Silas

Nag tawanan at nag sipulan ang mga ito dahil sa sinabi nya na hindi ko narinig



Maya maya pa ay may lumapit sa kanya na babae, napaka gandang dalaga

Sa tingin ko ay kaedad o mas bata ito ng kaunti kay Silas

Ito ba ang nobya nya?



Lumapit ito kay Silas at dahan dahan itong yumuko upang halikan si Silas sa labi

Nanlaki ang mata ko at napaiwas ako ng tingin nang makita ko na deretso lang ang tingin ng mata ni Silas saakin, habang humahalik sa kanya ang girlfriend nya



Jusko ang mga kabataan ngayon, sobrang mapupusok.

Daig pa kaming ,malapit na mawala sa kalendaryo.


Napailing ako at medyo lumayo sa kanila, dahil nag kantyawan sila doon

Nag tingin tingin ako sa paligid, ang ganda ng mga disenyo.

Sobrang yayaman pala ng kaibigan ni Silas, di na talaga ako mag tataka kung bakit magaspang talaga ang ugali nila

Halatang sobrang mga spoiled brat sila.




Kumuha ako ng pagkain, ito kasing si Silas pinag dumali ako. Ni hindi na nga ako nakapag bihis ng maayos manlang

Ewan ko ba, parang inis sya sakin mula nang tumawag si Aiden kanina

Sabagay, dapat hindi ko naman talaga ginagamit ang selpon ko pag oras ng trabaho







"Miss are you alone?"

Napalingon ako nang may mag salita sa likod ko

Nakita ko ang isang gwapong lalaki, sa tingin ko ay kaedadan lang din ito ni Silas

Ang bata pa nila pero sobra nilang tangkad





"Bakit..?" Takang tanong ko



Ngumiti lang ito

"Well, I'm just asking coz it looks like na mag isa ka lang. Do you want me to accompany you?" Ngiti nya

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum