Chapter 28

9.7K 251 38
                                    


Umusad ang araw at ganon parin ang naging takbo ng buhay ko.
Hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Aiden, paminsan minsan at binibisita ko sya kapag wala na akong trabaho

Ang pag bubuntis ko ay hindi naging madali para saakin, halos araw araw akong nahihilo.
Hindi na ako makapag trabaho ng maayos, bukod don ay lagi ding kumakalam ang sikmura ko

Jusko? E paano ako makakatipid kung ang takaw ko sa pag kain.
Hindi ko naman pwede tipidin ang sarili ko pag dating sa ganon dahil dalawa na kaming kumakain ng anak ko

Halos gabi gabi din akong umiiyak pag dating ko sa inuupahan kong apartment, twing pag katapos ng trabaho
Hindi kumpleto ang gabi nang hindi ako umiiyak, hindi ko maintindihan sarili ko. Minsan pakiramdam ko nababaliw na ako

Gusto ko na kasi syang makita, Gusto ko nang bumalik kay Silas


Napa buntong hininga ako dahil don, alam ko sa sarili ko na dapat wag na ako mag abala

Ginusto ko ito kaya paninindigan ko mag isa, at kakayanin ko ding mag isa







"Umagang umaga tulala ka. Malas yan sa negosyo."

Napatingin ako sa nag salita

Nakita ko ang kadadating na si Damian, naka uniform pa itong pang college

Nalaman ko na 23 years old na ito, at kasalukuyang 4th year student.
Nabalitaan ko din na scholar sya sa kursong engineering.

"Damian ikaw pala, ah...kakain ka ba?" Tanong ko

Simula nang mangyari na ipinag tanggol nya ako don sa lalaking lasing, ay naging close kami

Kahit mas bata sya sakin ay parang saaming dalawa sya ang mas matanda kung umasta, matured na matured na sya mag isip

"Nope, dumaan lang ako. I just want to give you this." Napa tingin ako nang binuksan nya ang bag nya at may inilabas na supot na nag lalaman ng saging at iba pang prutas

"Damian, nag abala ka pa. Ayokong mag sayang ka ng pera sakin." Seryoso kong turan

Mas lalo lang akong di mapakali, dalawang linggo na buhat nang mag kakilala kami.

At sa loob ng dalawang linggo na iyon ay araw araw nya ako binibilhan ng prutas, para daw sa pag bubuntis ko

Ayoko itong tanggapin, alam ko na scholar sya at kailangan nya ng matinding pag titipid
Pero ito sya, ginagastusan ako na para bang sya ay kamag anak ko.

"Rose, stop. I know, i just want to make sure that you and your baby is healthy." Humina ang boses nya sa huli nyang sinabi

Napa ngiti ako sa kanya, hindi kami mag kaano ano pero grabe ang pag aalala nya saamin.
Isa syang tunay na kaibigan, nararamdaman ko iyon

Kahit pa may pagka suplado sya ay alam ko na mabait syang tao

"Damian maraming salamat sayo, salamat sa pag aalala mo saamin ng baby ko." Ngiti ko sa kanya

"Wala yon, gusto mo panagutan pa kita e." Bulong nya na hindi umabot sa pandinig ko

"Anong sinabi mo Damian? Pasyensya na hindi ko narinig." Tanong ko

"Nothing, I'm going. Take care Rose, bye." Masungit nyang turan saka umalis nang hindi manlang ako inaantay mag salita

Anong nangyari don? Kanina lang ang bait nya kausap, ngayon inatake na naman ng kasungitan


Napailing na lang ako nang hindi ko na sya matanaw, malamang ay nakalayo na




Inaayos ko ang dala nyang prutas ngunit napatigil ako nang mag ring ang cellphone ko

Unknown number ang nakalagay ngunit sinagot ko ito

"Hello?"

"Rose, you better come back. Silas is getting worst."

Nagulat ako nang hindi makilala ang pamilyar na boses ng lalaki, sino sya?

"P-po? Sino po kayo?"



"This is his brother, Sinai."

Saglit akong natigilan, paano nya nalaman ang number ko

"We have our own ways Rose, don't ask how. Now, I want you to come here, You're the only one who came tame the beast in him." Malamig nyang turan na para bang nabasa ang iniisip ko kahit na sa telepono lang kami nag uusap

"Pero, h-hindi na pwede. Pasyensya na pero matagal na po kaming walang koneksyon ni S-Silas" seryoso ko ding turan

Saka ano bang tinutukoy nya? Sa pag kakaalam ko ang sinabi ni Demi ay bumalik ito sa dati nitong buhay, barkada, inom, babae o kung ano pa

"You can't Rose, If I were you I'm gonna come over here. Silas is getting more insane, I'm afraid he will totally lost his sanity and do something you don't want to happen."

Hindi ko alam ngunit kinabhan ako sa sinabi nya,

"T-Teka hindi kita maintindihan, anong nang yari kay Silas? M-May nang yari ba?" Taka kong turan


"He's in the mental hospital. When you left him, he's gone crazy. That's why my Dads decided to put him in the rehab."

"A-Ano..?!" Hindi makapaniwalang turan ko sa kanya

"You see, he's crazy and we can't do something about that. I know you're the only cure." Kahit di ko nakikita ay alam kong ngumisi sya, "Rose you better come back, there's no use even you left him. I know my brother, susundan ka nya kahit sa impyerno ka pumunta."




Napalunok ako at hindi ko napigilan na patayin ang tawag

A-Ano? Nasa mental hospital sya?! P-pero bakit?! Buhat ba ito sa pag iwan ko sa kanya?!

Pero sinabi ni Demi na maayos ang lagay ni Silas! Na bumalik ito sa dati nitong gawi nang umalis ako.

Ano ibig sabihin nito? Nag sisinungaling ba si Demi saakin?!




"Napapalapit na ako sa taong gusto ko."

Humigpit ang kuyom ko sa kamao ko, nang maalala ko ang sinabi nya, anong ibig sabihin? Nag sisinungaling ba si Demi?!


Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Where stories live. Discover now