Chapter 24

10.3K 236 34
                                    

Pag katapos ng nangyari ay sa mansyon nila kami dumaretso

Doon ako iniwan ni Silas at umalis sya kasama ang ibang kapatid

Hindi ko alam kung saan sila pupunta at basta narinig ko ang pangalan ni Aiden

Umalis sya kanina pa kasama ang tatlong kapatid na nakakatanda na triplets

Nagulat pa ako dahil sampo pala silang mag kakapatid

Nalaman ko na ang panganay nila ay Quadruplets din, sila Kairo, Rhys, Jace at Hana Lauren ang mga ito.

Wala ito dito dahil may mga ginagawa ito, sumundo naman sa kanila ang triplets na kasama ni Silas kanina. Iyon ay sila, Steven, Simon at Sinai

Si Simon ang kasama ni Silas na palaging naka ngisi, habang si Sinai yung medyo masungit. Ewan ko lang don sa isa dahil hindi ko pa nakikita.

Kasunod ng triplets ay ang kambal na sila, Jiro at Justin. Hindi ko parin nakikita ang mga iyun dahil wala sila dito sa mansyon ng magulang nila.

At ang bunso ay si Silas.

Muntik ko makalimutan, may ampon pala silang babae ngunit hindi ko pa din nakikita.
Parehas sila ng edad ni Silas na bente uno.

Si Silas ang bunso sa buong mag kakapatid ngunit ang ampon nila ay ang itinuturing na bunso at kabataan dahil babae ito

Noong una ay nagulat pa ako dahil sa dami nila, ngunit agad ko itong naunawaan dahil sa sitwasyon nila.






Maya maya pa ay nagulat ako ng may tumatakbong magandang babae na umiiyak

Saglit itong napatingin sakin at nagulat, ngunit agad itong tumakbo papuntang taas

Maya maya pa ay nakarinig ako ng galit na mura at nakita ko na sumunod pumasok ang lalaking nakakunot noo at naka tiim ang panga

Nakita ko na marahas nitong hinubad ang suot nitong sinturon at agad sumunod sa babaeng umiiyak

Sa tingin ko ay kapatid ni Silas ang lalaking iyon dahil mag kamukha sila lalo na kapag galit





"Hays, kaawa naman si Lucinda. Tiyak ay papagalitan na naman ito ni Sir Jiro." Narinig kong bulong ng isang kasambahay

"Grabe nga yang dalawa ni Sir Justin at Jiro, wala nang kalayaan ang bunso nilang si Lucinda. Puro bawal na lang." Iling ng isa pa

Base sa pag kaintindi ko ay si Lucinda ang ampon nilang babae, at ang lalaking galit na sumunod sa taas ay Jiro ang pangalan

Umiling na lang ako at ipinag sawalang bahala na lang, dahil sa totoo lang ay naiinip na ako

Wala dito ang magulang ni Silas, pag katapos akong iwan dito ni Silas ay umalis din ang mga tatay at nanay ni Silas

Tanging kasambahay lamang ang kasama ko at halos gusto na din umuwi

Nakakahiya dahil pakiramdam ko ay nakakaabala pa ako.
Para naman akong bata na pinapabantayan pa sa kanila.

Napa buntong hininga na lang ako sa mga nangyayari, ang tungkol kay Aiden at sa pag baril dito ni Silas

Hindi ko akalain na kaya nyang gawin yun, mas lalong naging iba ang tingin ko kay Silas

Hindi sya pang karaniwang lalaki lang. Marami syang alam sa edad na bente uno

Maya maya pa ay napalingon ako nang mag ring ang cellphone ko

Pinindot ko ito at nag salita, "Hello?"

"My Ghad! Mabuti at sumagot ka Rose!" Boses ng babae na pamilyar ngunit di ko maalala, kaya napa kunot ang noo ko dahil don

"Sino po sila?" Takang tanong ko

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon