Chapter 12

13.9K 334 113
                                    

Pag dating namin doon ay agad sinalubong kami ng aming kaibigan at inakay papunta sa table nila

Nakakabingi at nakakaduling na ingay ang sumalubong oag dating namin sa loob



"Hii, everyone I would like you to meet my friend, Rose. Rose si Carol, Maggie, Rick, Daryl, Michonne at Arthur nga pala, mga katrabaho at kaklase ko nung college." Pakilala ni Demi

Ngumiti lang ako at nginitian lang din sila

Biglaang ang lakad na ito kaya naman sobrang saya nila dahil ngayon na lamang ulit sila nag kasama makalipas ang ilang taon

Habang ako ay nais ko lamang ito maranasan, wala namang masama dahil wala na naman akong nobyo.
Minsan kailangan din natin libangin ang sarili natin, isa pa hindi na ako bumabata kagaya nga ng sinabi ni Demi.





"Hi." Napalingon ako nang biglang may mag salita sa kalapit ko, si Arthur

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango

"Ahem! Ang bilis mo talaga Arthur, osige friends lang ah? Baka kasi malagot ang isa dyan sa bata, iba pa naman galitin ang mga bata. Masyadong nakakatakot." Ngisi sakin ni Demi

Napailing lang ako sa sinabi nya, hindi naman Siguro malalaman ni Silas at lalong wala iyong pakialam sakin

"Haha ano bang tinutukoy nyang bata? Do you already have a child?" Ngiti nya sakin, mukha naman syang mabait

Tumawa si Demi ng malakas, "Oo, mamaya dede na yun sa kanya pag naabutan syang ganito." Nakangisi nyang turan saakin na para bang pinapakaba ako

"Totoo ba yun? May anak ka na?" Tanong ni Arthur

Umiling ako, "Wala pa, wag mo na lang pansinin si Demi. Sadyang mabiro lang talaga yan." Iling ko habang natatawa





"Heheh ibang bata kasi ang tinutukoy ko." Taas kilay nya

"Demi." Suway ko ,baka kasi anong isipin ni Arthur dahil sa mga kalokohan na lumalabas sa bibig ni Demi


Maya maya pa ay may nahagip akong lalaki na nakatingin saakin habang may kausap sa cellphone.

Tumalikod ito at umalis nang makita ako, nag taka ako ngunit hindi ko na lang pinansin iyun













"Wohoo!! Cheers!! Para sa masayang buhay!!!" Sigaw naming lahat

Hindi naman ako umiinom, nakikisama lang ako sa kanila. Ang saya kasi nilang tingnan

"Rose! Cheers!! Para sa mawawasakan ng bataan mamaya! Wohoo!!" Tagay saakin ni Demi

Natawa lang ako at walang nagawa kundi inumin ang itinagay nya saakin sa unang pag kakataon

Isang tagay pa lang yun ngunit pakiramdam ko ay umikot na agad ang paningin ko dahil sa tapang nun


Nasuka ako kaya naman tumayo ako upang pamunta sana sa cr


Ngunit halos matakasan ako ng hininga nang pag tayo ko at pag lingon ko ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni Silas



Paanong...




"Silas? Anong ginagawa mo d-dito?" Tanong ko, tila nawala ang hilo kong nararamdaman dahil sa nakakatakot nyang awra



Umigting ang panga nya at tiningnan ako mula ulo pababa

Nag taas baba ang dibdib nya dahil sa pag hinga nya na animoy pinipigilan nya mag wala sa galit

Nakita ko pa na basa ang buhok nya at parang kagagaling nya lang sa practice

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum