Chapter 30

10.7K 224 19
                                    


Rose

Hingal na hingal ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta

Pag katapos ng tawag na yun, ay hindi na ako nag intay pa at nag dumaling umalis

Hindi nya ako pwede maabutan, tiyak ay magiging magulo lang kapag mag kasama kami

Dali dali akong pumara ng tricycle, dala dala ko ang kaunting gamit na meron ako.

Walang paalam akong umalis sa inuupahan ko at hindi na nag paalam o nag pasalamat sa Ina ni Aiden

Gusto kong umalis ng tahimik at walang nakakaalam, dahil baka maabutan nya ako


Bumalik sa ala ala ko ang nalaman ko sa tawag na iyon....

Maagap pa lang ay pumasok na ako sa trabaho, wala pa masyadong tao dahil nga maagap pa

Maya maya ay narinig kong tumunog ang cellphone ko, kumunot ang noo ko dahil hindi kilalang numero ang nasa screen non



"Hello?" Turan ko

"Nakatakas si Silas, I told you to come back here already. Ngayon ay nakatakas na sya, hide your self no matter what. Because the obsessed demon is coming for you."

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makilala ko ang boses na iyon

Kapatid ni Silas! Si Sinai!
At pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa kabang naramdaman ko, nakatakas si Silas?! At tunay ba ang sinasabi nya na hinahanap ako ni Silas?!

"A-Ano bang sinasabi mo?" Kaba kong turan

Narinig ko na ngumisi ito, "You know, being crazy is in our blood line. Baliw si Silas, baliw sya sayo. My Dads can't do something about that, because in the first place sila ang unang naging baliw. Except me, they are all insane."

"Deretsyuhin mo na ako! Ano bang gusto mong iparating?" Napalunok ako nang sabihin ko yun

Narinig ko na mahina itong humalakhak, "Alright, what I'm saying is. Silas is coming for you, probably pag nahuli ka nya hinding hindi ka na nya papakawalan. I know my brother, he's crazy. He's the craziest in fact."

Sa mga sinasabi nya ay hindi ko maiwasan na kabahan, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi sya nag bibiro

"Now, if you don't want that to happened. Run, because if my brother caught you. Matatali ka na sa kanya habang buhay." Kahit di ko nakikita ay alam kong naka ngisi ito

Bakit ganon? Sinasabihan nya ako ngunit bakit pakiramdam ko ay alam na nya agad ang mangyayari?














Napa buntong hininga ako nang malalim, hindi ko maiwasan pag pawisan sa mga sinabi ng kapatid ni Silas

Kinabhan ako sa di maipaliwanang na dahilan.



Bilis bilis akong nag lakad, may mga naka bangga pa ako dahil sa maraming tao ngayon sa bayan.

Hinawakan ko ang tyan ko upang protektahan dahil sa masikip na daanan.


Ngunit napatigil ako nang may matanaw akong pamilyar na bulto ng lalaki

Hindi ko makita ang mukha nito dahil naka sumbrelo ito ng itim.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makita ko na ngumisi ang labi nito

Kilalang kilala ko ang mga labi na iyon!

Natukyan na ni Silas kung nasaan ako!

Agad akong tumakbo palayo at nang may tumigil na tricycle ay agad akong sumakay dito

"Manong paki bilisan po. May humahabol po saakin pakiusap." Kabado kong turan



Nag tataka man ngunit tumango laang ang tricycle driver


Jusko!! Paano nya ako nahanap?!
Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag muli kaming nagkita at nag kausap

Iniwan ko sya nang walang paalam, iniwan ko sya noong panahong nahirapan sya at mas malala pa ay naconfine sya sa mental hospital

Pero nakatakas sya, ang ibig Sabihin non ay wala talaga sya sa tamang pag iisip!

JUSKO!! Napupuno ng kaba ang puso ko, hindi ko alam kung paano sya haharapin lalo na at dinadala ko na ang anak nya

Kailangan nyang bumalik at mag pagaling. Hindi sa ganitong sitwasyon.






Kasalanan ko ang lahat ng ito, ako ang mas nakakatanda saaming dalawa pero hindi ako nag isip.

Pumayag ako na mag karoon kami ng relasyon na hindi naging maganda ang resulta.

Palagi syang nakakapanakit ng iba dahil saakin, dahil din sa nangyaring ito ay paniguradong napabayaan na nya ang pag aaral nya

Ako ang may kasalanan




Bat di ko pa kasi aminin na mahal ko sya una pa lang.
Minahal ko sya at ang nararamdaman namin para sa isa't isa ay hindi pwede at walang magandang dulot lalo na sa kanya









Nagitla ako nang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at tiningnan.
Isa na namang hindi pamilyar na numero ang naroon.

"H-Hello?" Turan ko


"Baby why did you fuckin leave me again? Talaga bang ginagalit mo ako huh?" Nanayo ang balahibo sa boses na iyon

Walang kasing lamig at hindi makikitaan ng emosyon.

Ngunit batid na batid ang panganib sa mga tonong iyon


"S-Silas.." mahinang turan ko



"Do you like to play hide and seek? Alright, there's only one rule. Hide and never show your self from me, because once I caught you. Wala ka nang kawala pa." Kahit di ko kita ay alam kong naka ngisi sya





"Silas! H-Hindi ako nakikipag biruan! Bumalik ka na sa magulang mo pakiusap."

"Trust me, I'm not joking. You should start hiding right now." Ngisi nya at pinatay ang tawag

Sa huli nyang sinabi ay mas lalo akong hindi napakali


Ano nang gagawin ko?! Saan ako papunta kung pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa bawat galaw ko?









###

Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)Where stories live. Discover now