Challenge # 23

133K 4.1K 930
                                    

I was staring at Leira as she sleeps beside me. Hindi ako makapaniwala sa naganap. It's not the first time I made love to a woman but doing it with her feels so different - maybe because I was in love with her. Hinaplos ko ang mukha niya at saka hinaplos ang kanyang pisngi. Inayos ko ang kumot niya at saka tumayo. Nagbihis ako at lumabas ng silid. Nakadama ako ng gutom. Naisip ko ring gawan si Leira ng makakain dahil alam kong pagod siya. Napangisi na lang ako.

Pagbaba ko ng hagdan ay naringgan ko si King David na may kausap. Nagsalubong ang kilay ko at nilapitan ko sila. Nakita ko si King David na hawak ang babae sa palapulsuhan

"I told you to stay away! Nandito si Arruba. You don't belong here!" He hissed. Sinilip ko ang babae. Pamilyar siya sa akin. Her hair is blonde and she was wearing a very skimpy outfit. Kunot na kunot na rin ang noo ni King David habang nakatingin sa kanya. "Umalis ka na, you're not needed here, Mariella Jimena!"

"How dare you!" The woman hissed. "Ano bang tingin mo sa akin, King David? Babae na kapag nasaktan ka sa babaeng iyon, pupuntahan mo at magpaparaos ka sa akin? I told you! My life is in danger! Those guys that were after you were outside my building, they were following me! I need your protection!"

"Anong nangyayari dito?"  Hindi na ako nakatiis. Bumaling sila sa akin. The woman smiled at me. Nilapitan niya ako at kinamayan.

"Hi, my name is Mariella Jimena Figueroa. Fubu kami ni King David and I badly need protection from you guys. Iyong mga humahabol sa kanya, nasa labas ng apartment ko. I badly need it, Mr. Azul."

I looked at King David. I grinned at him. "Fubu? I thought you'll die a  virgin." Wika ko pa. Hindi pa kami maayos pero kapatid ko si King David kaya hindi ko din siya kayang tiisin. Kahit siguro gaano kalalim ang pinag-awayan namin ay hindi ko pa rin maitatanggi na kapatid ko siya.

"Can I stay here?" Tanong pa ni Mariella Jimena.

"Sure."

"No! No! No! Simoun!" Sigaw niya sa akin. I looked a him.

"You want to keep Arruba safe but you're letting your fubu friend outside our radar. Hayaan mo siya dito, KD. She's involved with you, her life is in danger."

Tinalikuran ko sila. Pumunta ako sa kusina at doon natagpuan ko si Ido na kumakain. Tiningnan niya ako nang masama habang kumakain ng home made hamburger niya.

"Sino iyong babae?" Tanong niya.

"Fubu daw ni KD."

"Puta, paano si Arruba?"

"'Wag mo akong tanungin. It's their love story not mine." Mabilis na wika ko.

"Mga hirit mo, Simoun eh! May ka - love team ka na kasi. Tang ina, I remember the days when it was only you and me... Walang Leira na nakagitna sa atin."

Sa inis ko ay binato ko siya ng kutsara. Nasalo naman niya iyon at inilapag sa mesa sa harapan. Napapailing na lang ako. Iyong mga banat ni Ido, iyon din ang banat ng Nanay niya sa akin noon.

"Buti talaga hindi ka nagmana sa tatay mo." Wika ko pa. "Kundi baka napatay na kita."

Pinalamanan ko ang sliced bread na nakita ko sa ref na iyon. Inayos ko ang mga pagkain at inilagay sa tray. Hindi na ako bumaling pa kay Ido. Nagtuloy na ako sa silid namin ni Leira. Pinakikiramdaman ko ang paligid. Pinakikinggan ko si King David o si Arruba but the night was quiet as the cemetery.

Alam kong malapit na naming malaman ang tao sa likod ng bagay na ito. Ang nakakainis lang, kung kailan maayos na ang buhay naming lahat - lalo na ako ay saka sila lilitaw at guguluhin kami. Hindi naman pwedeng ganoon.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon