Challenge # 20

145K 4.9K 1.5K
                                    

"We have no idea who's after us or what they want so we have to be really careful."

Tulad nang nakasanayan ay nasa loob kami ng secret room sa bahay ko. All of us were plotting a plan for those who's after us. Inilabas na ni Ido at Judas ang libro ng mga maaari at posibleng kaaway namin. We have eliminated almost half of the people in the book and still we have no idea who's after us. The only clue we had were the red light from the sniper gun and the gold SUVs - lahat pala kami ay sinusundan ng magkakaibang SUV sa parehong oras.

They are really after us. Ido got attack the same time I was in the cemetery with Hera. Ganoon din ang nangyari kay King David at Axel John - we were all shot. Si Judas naman ay hinarang ng dalawang tao at sinubukang bugbugin but he got the shit out of those people and beat them instead. Ayos na sana, tinatanong na niya ang dalawa kung sino ang may pakana ng mga ito but the men chose to die than to tell him the truth. They committed suicide. Lalong lumaki ang problema namin.

"Hindi ko hahayaang makalapit sila sa pamilya ko." Wika pa ni Ido. "I contacted my sister and told her to send my parents off to a Caribbean cruise - kasama siya para sa oras na magkagulo, wala sila sa lugar na ito. I will kill them before they touch my family." Galit na galit si Ido. Ako naman ay nag-iisip. I must do something to protect my lot. Sa lahat sa amin ako ang may pinakamaraming maisusugal sa ngayon - hindi ko kayang tumaya ngayon. There's so much to lose now.

"We have to keep the ones we love near us." Wika ko bigla. Napatingin sa akin ang lahat. I looked at them. "Judas, Arruba's in Austria, she's safe. Ikaw, David, sinong mahal mo ang malapit sa'yo ngayon na maaring gamitin sa'yo? Let's keep them near. If we have to keep them in a house where we can secure them, let's do it - mas malapit sila sa atin, mas madali natin silang mapoprotektahan."

Walang nagsasalita. Nakita ko lang na napailing si King David sa akin.

"Things we do for love. Kaya mong pabayaan si Arruba sa Austria tapos iyong Leira na iyon itatabi mo sa'yo, paano kung sundan nila si Arruba and then hurt her."

"Dude, chill. Anong tawag mo sa akin?" Sabad ni Judas. "Arruba is my sister, she is my responsibility. Mas dapat ko siyang alagaan kaysa si Azul. At isa pa kailan ninyo ba titigilan ni Axel ang Aruzul ship ninyo? That ship isn't going to sail because the fact that Azul is in love - yes he is - kung hindi 'di hindi niya hahabulin si Leira - bakit hindi ninyo ba siya pabayaan?"

Tumayo si Judas at hinarap si King David. "Tao ang kapatid ko, hindi siya bola na ipapasa mo sa iba dahil lang sa napaso o napagod ka na. Respect Arruba, King David, kung mahal mo siya mahal mo siya, kung hindi mo siya kayang alagaan o saluhin kahit mahal mo siya huwag mo siyang ipasa kay Azul. Duwag ka, hindi mo kayang harapin iyong katotohanan na si Azul ang nauna kaya pwede bang tigilan mo na lang! Kapag nainis ako sa'yo minsan magulat kang babarilin na lang kita, putang ina ka!"

Tinulak ni Judas si King David. Umawat naman ako. Dinuro niya si Axel John na tumabi kay David. "Isang sabi na lang, stop trying to make your ship sail. Aruzul isn't going to happen so just fuck off!"

Judas walked out. Sinundan siya ni Ido. Natira kaming tatlo sa loob ng silid na iyon. King David walked out too. Si Axel na lang at ako. Tiningnan ako ni Axel.

"Natatakot ka ba, Azul?" Tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na oo. Na sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi ako handang mamamatay dahil naranasan ko kung paano pahalagahan ng ibang tao sa buhay ko? Hindi ko kayang bigyan ng ibig sabihin ang nararamdaman ko. It's overwhelming. For the first time in my life, I know how it's like to be scared. Hindi ako mapakali.

"Wala ka bang kinatatakutan, Ernesto?" Biro ko sa kanya. Ayaw na ayaw ni Axel John na tinatawag siya sa tunay niyang pangalan. Huminga lang siya nang malalim at nanatiling nakatayo sa harap ko. "Bakit hindi mo siya hanapin para maintindihan mo ang takot na nararamdaman ko?"

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon