Challenge # 10

115K 3.8K 606
                                    

Welcome home, Asshole!

Iyon ang nakalagay sa banner na sumalubong sa akin nang umagang iyon pagkagising ko. Hindi ko alam kung mapapangiti ako o sisimangutan ko ang lahat ng mga mokong na ito dahil sa ginawa nilang surpresa para sa akin. Dapat talaga hindi ko sila binigyan ng susi ng bahay para walang ganito.

Minsan nagugulat na lang ako dahil natatagpuan ko si Axel o si Ido na kumakain sa kusina ko, noong nakaraan ay nagulat ako dahil pagbiling ko sa kanang parte ng kama ko ay nadoon si Judas at nakayakap na sa akin, and now this. Maiinis na sana ako nang makita ko si Arruba na lumabas ng kusina at may dalang cake. King David smiled at her but he kept his distance. Dapat ay lumapit siya. Dapat ay tinulungan niya si Arru but he stayed beside Judas and looked at her. Arruba stared at me.

"Good morning, Azul. I told Ido to change the banner but he's too full of himself. I hope you don't mind us barging in like this. Gusto ka nilang gawan ng party."

I would kill for that smile and that look on her face. It used to be mine but I'm not claiming that anymore. Tumango na lang ako at nilapitan sila.

Si Axel John at si Ido ay nakaupo sa sofa habang naglalaro ng kung ano sa mga adget na hawak nila. Si King David ay tinulungan si Arruba na maghain habang si Judas naman ay inalalayan ako. Habang nilalakad ko ang dinin area ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan. Bahagya pa akong kinabaham. I'm not expecting anyone pero lahat ay nandito na maliban kay Leira kaya malamang siya na ang nasa pintuan. I hope she brought that smile that could melt away all my worries but when I looked back, nakita ko si Adan at si Casiel na magkahawak kamay habang papalapit sa akin.

Nagulat pa ako nang yakapin ako ni Casiel nang mahigpit. Umalog ang mga balikat niya, pagkatapos ay lumauo siya sa akin, pinakatitigan ako saka ako sinapak.

"Tang ina mo! Pinsan pala kita! Tang ina mo! Welome to the family!" Muli na naman niya akong niyakap. Tiningnan ko si Adan na para bang tuwang-tuwa kay Casiel haban nilalapirot niya ang likod ng tshirt ko. Adan seemed to really love everything about Casi. Hindi mawala ang tingin at ang ngiti niyang iyon.

Matapos ng welcome remarks ni Casiel ay nagtungo na kami sa dining area. Mukhang marami ang handa dahil puno ang mesa. They have bacons, cheesee, grapes, coffee, fried rice and everything I love about breakfast.

Naupo ako sa kabisera. Sa kaliwa ko naman ay naupo si Arruba, sa kanan ko ay pinaupo na lahat si Casiel. She seemed so overwhelmed about her newly found cousin. I am so fond of her. Akala ko nga ay mahihirapan akong makasundo siya but as I get to know her I realized that she's the only one who doesn't act like a full Consunji. She's too simple.

"Adan told you, didn't he?" Tumingin si Casiel sa akin at saka siya tumango.

"Saka maliban sa kanya, alam na rin naman nila Papa. Ikaw nga ang laging usapan ni Uncle Sancho at Papa. Uncle Sancho wants you to be legitimate. Ikaw naman daw kasi ang panganay at hindi si Ate Hera. Uncle Luke thinks that he should take things slow, but knowing him, gusto niya ding dalhin mo ang apelyido namin. My dad wants everything and everyone to be fair to you and Kuya Yto wants to meet you --- that's a good hing 'cause he's like the batas sa aming magpipinsan. Hindi talaga ako makapaniwala. Buti talaga hindi kita hinalikan!"

Natawa na naman ako. Tuwing naaalala ko ang gabing sinubukan akong halikan ni Casiel kinikilabutan talaga ako. I patted her head and smiled at her. Ayokong magtanong tungkol sa plano ng pamilya niya. Hindi naman ako interesado. Buo na ang pasya ko. Hindi ako sasama at papayag sa mga gusto nila. I'm an adult and my mother raised me well. I don't need anything from them.

"Everyone is here! Kumain na tayo! Welcome home, Azul!" Sigaw ni King David. He proposed a toast pero natgil siya nang magsalita si Ido.

"Not everyone is here. Wala si Leira. Hindi mo ba siya tinawagan, KD?"

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon