Challenge # 12

127K 4K 1.2K
                                    

"Where do you think I have been these past few weeks huh, Simoun? I've been to hell and back and it's only my children and my husband who's keeping my insanity intact! You shouldn't even be alive?! And how dare you say that you are my father's first born? Illegitimate ka! Sa batas ako pa rin ang panganay at mas may karapatan ako sa'yo, you son of a bitch!"

Hera slapped me, susundan niya pa sana iyon pero sinangga ko nang kamay ko ang kamay niya. Puno ng galit ang kanyang mga mata. All the while that I was looking on her, I could only think of Apollo. Anong iniisip niya? Does she expect her only daughter to act like this?

"Kung hindi mo ako titigilan, siisguraduhin kong mawawala sa'yo ang lahat, Hera." Mariin ang wika ko. Ni hindi siya natakot. Ngumisi lang siya sa akin at saka tinulak ang kamay ko palayo sa kanya. She was grinning - a grin that I have seen on her old man's face many times.

"Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo. Like the popular saying, Azul - You want war, I'll give you war. Have a good day."

Umalis siya. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palabas ng bahay ko. Nakakuyom ang mga palad ko. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan ng babaeng iyon. Wala akong maisip na ginawang masama sa kanya -- ngayon lang. I slapped her. I wanted to wring her neck, wala siyang karapatang tawagin ng kung ano - ano ang Mommy ko. Olivia Azul was a good woman and she never asked anyone for anything. She had so much love to give and she never even asked for anything in return.

Hera's attitude is rotten. Patunay lang kung gaano siya na-spoil ng mga magulang niya. I was shaking my head.

"Apollo, Apollo, what will I do with your children?" I muttered underneath my breath. Sinundan ko sina Axel sa ibaba. Natagpuan ko sila ni Judas na naglalaro ng hockey. Habang nakatingin sa kanila ay doon ko lang naramdaman ang kirot ng braso ko dahil sa pagkakahulog ko sa bintana ng bahay ni Leira. Napangisi ako nang maalala ko siya.

Leira is weird. Ayaw niya akong maging kaibigan dahil kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya? Ganoon ba iyon? Does that mean that she wants something more? May gusto pa yata sa akin ang babaeng iyon. Naisipan ko siyang tawagan. Hiniram ko ang phone ni Axel. I have her number in my head.

"Pare, pahiram ng phone." Wika ko pa. Tinuro ni Axel ang phone niya. Kinuha ko naman iyon at ginamit na.

"Sinong tatawagan mo?" Tanong pa niya habang tumitira.

"Si Leira." Sagot ko.

"Puta pete, Simoun! Ang kulit mo! Paano na si Jestoni?!" Sigaw na naman niya sa akin.

"Saan ba nakatira si Jestoni? Papatayin ko na." Narinig kong wika ni Judas. Napapailing ako. Pinakikinggan ko ang pag-ring ng telepono ni Leira. Sinagot naman niya iyon.

"Hello?" She said at the other line. Napangisi ako.

"I missed you already, Leira. Tonight, you'll think of me and you won't be able to sleep." Na-imagine kong nanlalaki ang kanyang mga mata. I know that look. Lahat ng babaeng birhen ay ganoon ang tingin. That is something that can never be faked. Leira is innocent as a sweet flowers in May.

"Ang gago mo! 'Wag kang tatawag dito! Putang ina ka so much!" Binabaan niya ako ng phone. Napabuntong-hininga ako. Nagtaka ako nang galit na kuhanin sa akin ni Axel John ang phone niya. Itinago niya agad iyon.

"Huwag mo nang tatawagan si Leira, Simoun. Maawa ka kay Jestoni. Masasaktan siya." Kunot na kunot ang noo ko. SIno ba si Jestoni? Ano kung boyfriend siya ni Leira? Wala naman akong balak sa kanila. Hindi ko sisirain ang relasyon nila. Wala akong gagwing masama. Gusto ko lang maging kaibigan si Leira.

Iba si Leira sa mga babae sa mundo ko. Some of them fear me, iyong iba naman halos ihanda na ang sarili sa akin, pero si Leira, she had the guts to say no and fight back - mas lalong hindi ko siya pakakawalan ngayon. I like her, she's feisty and different. Gagawa ako ng paraan para masunod ang gusto ko. Para sa akin ay challenge siya.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon