Challenge # 16

112K 4.1K 971
                                    

I was inside my car with Ido. Siya palagi ang kasama ko dahil halata naman na masama ang loob sa akin ng mga kaibigan ko. Si Judas ay sinamahan si Arruba sa Austria. Apparently, she got a job at a mental institute there. Judas came with her so he could make sure that Arru is safe. Hindi na nga siya nagpaalam sa akin. Naiintindihan ko rin naman siya. I never asked her anything since the day I told everybody that I am pursuing whatever I have with Leira.


"Pare, hanggang kailan ba tayo maghihintay dito? Nakikita mo ba si Leira mula dito?"


Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ido. Nakaparada ang sasakyan ko sa tapat mismo ng bagong hotel na pinagtatrabahuhan ni Leira. And to answer Ido's question, yes I can see Leira from here. Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip akong lapitan siya. Niloloko na nga ako ni Ido dahil ilang araw na akong pabalik-balik dito pero hindi ako makalapit kay Leira.


"Naisip mo ba, SP, na baka mamaya, si Leira na ang babae mo habambuhay? The mere fact that you are scared of coming to her means something? In  a romantic kind of language, maybe she is your destiny." Kinindatan ako ni Ido. Pinanlakihan ko siya ng mga mata tapos ay binatukan. Ngumiti naman ako at saka nagsalita.


"'Wag kang ganyan. Pare kinikilig ako." Biro ko pa sa kanya. Ido shook his head.


"'Wag mo nga ako daanin sa kalandian mo, Simoun! Puntahan mo na si Leira nang magkaayos na kayo! Tang ina mo! 'Wag mo sabi akong hinahaplos at hindi iyan ang kahinaan ko!" Hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko ang bag na malaki sa likod at saka bumaba na ng sasakyan. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae, bakit ba kailangan pa silang ligawan kung gusto naman nila ang lalaki?

Ang iba sa kanila, nagpapakipot pa, gusto naman iyong tao, tapos kapag napagod na iyong nanliligaw sa kanila at naghanap ng iba, aakto sila na para bang sila ang naloko, nahirapan at nasaktan. Ang mga babaeng iyan, mga paasa.

Pumasok ako sa hotel kung nasaan si Leira. I found her observing one of her receptionists.  Mukhang busy si Leira. Hindi niya ako napansin. She was reading something. Habang hindi niya pa ako nakikita ay inayos ko na agad ang mga dala ko. I took my eletric green guitar out of the bag. Lumakad ako hanggang sa mapunta ako sa gitna ng lobby ng hotel na iyon.


She asked me to court her and I will. Ipapakita kong seryoso ako sa kanya.

I cleared my throat. Ilang beses kong ginawa iyon bago ko nakuha ang atensyon ni Leira. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang titig na titig sa akin. I felt proud. I got the reaction I wanted. Dalawang linggo kong inikutan si Leira. Hindi ko nga alam kung bakit ako para bang nagdadalawang isip sa paglapit sa kanya. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na lapitan siya. Susulitin ko na ang pagkakataon.


"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang wika niya. Hindi ko naman siya sinagot. Instead of answering her, I strummed the guitar. Nakita kong para bang nahindik siya. Tila ba huminto ang oras sa loob ng lugar na iyon. Leira stood before me and I really wanna date her.


I wanna date her at iyon ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa.


I know i misbehaved

And you made your mistakes

And we both still got room left to grow

And though love sometimes hurts

I still put you first

And we'll make this thing work

But I think we should take it slow

Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid pero hindi ako tumigil. I wanted to impress her. Kasama daw iyon sa panliligaw, kailangan daw ma-impress ang babae.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon