Prologue: She knew

240K 5.3K 589
                                    


Nawalan ng direksyon ang buhay ko mula nang mawala ang nanay ko. Isang taon pa lang ang nakakalipas mula nang iwan niya ako pero umikot ng three hundred sixty degrees ang buhay ko. I had to leave home --- my step brothers and my step dad --- kahit na hindi naman ako pinaalis ay umalis ako. I started life alone inside a four-walled apartment. Gabi-gabi kong nilulunod ang sarili ko sa alak para maging manhid. Gabi-gabi kong iniiyakan ang pagkamatay ni Olivia Maria Azul.

I lost everything that mattered to me. Walang kwenta ang buhay kapag wala si Mom. Walang direskyon, walang patutunguhan. Gusto ko lang na makawala na sa masakit na alaala na dala ng kanyang pagkawala pero paano?

Isa ang mga gabing iyon sa kinamumuhian ko. I spent my hours drinking inside a certain bar. Napakalungkot ng buhay. I want my mom with me. Habang nakalugmok doon ay naramdaman ko ang isang malakas na suntok sa aking balikat. Nang lumingon ako ay nakita ko ang isang lalaking nakaitim na nakikipagtitigan sa akin.

"Hindi ka ba aalis diyan?!" Sigaw niya sa akin. "Kanina pa ako dito. Pwesto ko iyan!" Tinulak niya ako na naging dahilan nang pagkalaglag ko sa upuan. Napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay tinadyakan niya ako. Tumayo ako at tinulak siya. Doon nagsimula ang away. Iisa ako, madami sila pero hindi ako magpapatalo. I have to prove to everyone --- to them that I am strong. Hindi ako papatalo sa mga taong ito.

Pero, natalo ako. Iniwan ako ng mga lalaking iyon sa loob ng bar nang nag-iisa at duguan. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako hihiga doon. I could feel my body throbbing with pain and misery. Gusto kong makausap si mom. I wanna feel her touch. I want to hear her voice. Gusto ko lang na nandito siya.

I could remember her voice and the way she looked at me. Ngayon ay ayos lang sa akin kahit na ikompara niya ako sa ama ko. Basta makasama ko lang siya ulit. Life is empty without my mom. I sighed again. Tumayo ako, paika-ika ang lakad. Dinala ko na lang ang sarili ko sa ospital. Hindi ko na sinubukang tawagan ang kahit na sino. Hindi ko na inatawagan si Arruba. Wala na kami. I broke up with her because I think that she is better off without me. Hindi ako ang kailangan niya ngayon o kahit kailan. Ang bagay kay Arruba ay ang lalaking ilalagay siya sa pedestal at hindi ako na walang ginawa kundi ang sirain ang buhay ko.

Dinala ako sa emergency room sa ospital. I have a broken rib, a fracture and many bruises. Nagising na lang ako kinabukasan sa loob ng isang private room, may benda ang kanang kamay ko. I looked around but no one was there for me. Wala ang mommy, wala si Uncle Fred. Saglit naman akong natigilan nang bumukas ang pinto. Hinihintay ko kung sino ang darating...

"Kamusta?"

I smirked. Nurse lang pala. At ang pinakamasakit sa lahat maliban sa sugat ko ay ang katotohanan na iyong nurse ay walang iba kundi si Apollo Consunji. She smiled me.

"Walang dumadalaw sa'yo. Wala ka bang kaibigan?"

Nilapitan niya ako. Ayoko siya dito, ipinaalala niya sa akin ang mga bagay na nawala sa akin. Bakit niya ako nilalapitan? Nakangiting naupo siya sa gilid ng kama. She was looking at me and somehow, I saw recognition on her face. Siguro ay nakilala niya ako bilang ang lalaking nakita nya sa bahay nila noong nakaraang taon. Hindi ako kumikibo. Kumikirot ang buong katawan ko --- lalo na ang bandang gilid ng tadyang ko. I don't know how worse I look but I don't feel so good.

"Ang sabi ng doctor. Tatlong buwan bago tanggalin ang cast sa binti mo kaya hindi ka muna makakalakad, hijo. Dito ka muna sa ospital para sa mangyayaring therapy. I take that you didn't want anyone to know your condition. Hindi ko rin naman tinawagan ang pamilya mo."

Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakatitig lang ako kay Apollo Consunji na para bang hindi ako makapaniwala. Ang daming tanong sa isipan ko habang nakaupo ako doon. Madami pa siyang sinasabi tungkol sa injury ko pero hindi ako nakikinig. I was just staring at her. She smiled and I suddenly felt a ray of sunshine inside my heart.

"Bakit mo ito ginagawa? Alam kong natatandaan mo ako."

She took in a deep breath. "Nurse ako, hijo kasama iyon sa trabaho ko." Muli na naman siyang huminga nang napakalalim. "Mas matanda ka pala ng tatlong taon kaysa sa panganay ko..." Mahinang bulong niya. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga pangyayari. Matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis na siya.

Ang buong akala ko ay iyon na ang huling beses na kakausapin niya ako at lalapitan pero nagulat ako na sa buong tatlong buwan na namamalagi ako sa ospital ay naroon siya. Inaalagaan ako.

"Malapit ka nang matapos sa therapy mo. Nami-miss mo ba ang mga kaibigan mo?"

Hindi ko siya madalas kausapin. Sa isipan ko ay inagaw niya ang lahat ng pagkakataon ko at ni Mom para maging masaya at magkaroon ng tunay na pamilya. Hindi ko alam kung alam niya ang totoo. Hindi naman namin napa-uusapan. Nang araw na iyon ay tanong siya nang tanong. Nabigla ako nang ilabas niya ang Iphone niya at nagsimulang ipakita sa akin ang larawan ng kanyang mga anak.

"They are my kids. Hera, Hermes and Ares." Nakangiti siya habang titig na titig sa larawan. I was just looking at the pictures. Kasama nila si Lukas sa larawan. Tinabig ko ang phone niya. Nabigla siya sa ginawa ko.

"Why are you doing this? Alam mo ba kung ano ako? Kung sino ako?" Nangigigil na tanong ko. She smiled knowingly. A tear rolled down her eyes.

"You are the spitting image of your father. Ang gunggong na iyon, malakas masyado ang dugo. Lahat kayo, kamukha niya - mula kilay hanggang sa simangot."

My mouth fell open...

So, she knew...

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon