Challenge # 21

112K 3.8K 886
                                    

"Tatanggalin ko na iyong sling ng syota mo, Leira. Magaling na iyong sugat niya, pwede na ulit siyang mabaril."

Inirapan ko si Ido habang inaalis nga niya ang sling sa braso ni Simoun. Sa inis ko ay binato ko siya ng throw pillow.

"Hindi magandang biro iyan, gago ka!" Nakasimangot na ako. Si Simoun naman ay ngingiti-ngiti lang.

"Ikaw ba, Ido, may ganyan ka na? Ako meron na, masarap pala sa pakiramdam." Wika pa ng gago sa kaibigan niya. Napapangiti na naman ako. Hindi man ako ang direktang kinakausap niya pero napakasarap marinig niyon mula sa kanyang bibig. He treasures me and I really like that about him. Para bang hindi nga niya ako kinahihiya.

"Ikaw lang ang kaganyanan ko dati. Nagawa mo akong ipagpalit. Isa kang taksil!"

Simoun giggled. I just shook my head. Sa maikling panahon na nakakasama ko sila ay sanay na ako sa mga hirit ni Ido. Noong isang gabi ay nakita kong hinalikan ni Ido sa Azul sa noo, hindi ko napigilang itanong sa kanya kung minsan sa buhay nilang dalawa ay nagkaroon sila ng relasyon. Tinawanan lang ako ni Azul noon sabay haplos sa pepe ko. Sira ulo, tinitingnan daw niya kung hinog na. Kinikilig ako kahit ganoon, bastos man pero nakakakilig kasi.

"Ayan, ayos na. Huwag mo munang igalaw masyado para hindi mamaga o dumugo ulit. H'wag muna kayong magse-sex, itong si Simoun, atat eh!"

"Gago! Lumayas ka na nga dito!" Sigaw ni Azul. Humirit pa si Ido.

"Pa-kiss muna, baby!"

"Putang ina ka, Thaddeus! Layas!"

Tatawa-tawang umalis si Ido. Naupo naman ako sa tabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang abala siya sa pagsisino sa sugat niyang pagaling na nga. Habang nakatitig ako sa kanya ay naiisip ko si Arruba at kung paano niya tingnan si Simoun Paul.

Isang lingo na kaming nakakulong sa lugar na iyon at sa loob ng isang linggong iyon ay panay ko gustong patayin si Arruba. Tila ba nakikipagkompitensya siya sa akin sa pagmamahal kay Simoun Paul. Ang tanging bagay lang na maganda sa nangyayari sa amin ay iyong tila ba hindi alam ni Simoun ang mga nangyayari – o alam niya pero hindi niya lang binibigyan pansin.

I sighed. "Simoun, alam mo ba na mahal ka pa rin ni Arruba hanggang ngayon?" Walang abog na wika ko. Sa unang pagkakataon, mula nang makilala ko siya, ay tila ba nagulat siya sa lumabas sa bibig ko.

"Does it matter?" Tanong niya sa akin. Napakagat – labi naman ako. Tinatanong niya talaga kung mahalaga iyon para sa akin. Oo ang sagot ko doon. Hangga't hindi ko naririnig sa kanya na wala na siyang kahit katititing na nararamdaman para sa babaeng iyon.

Kaya kong ipaglaban si Azul sa lahat ng tao basta nasa iisang bangka kaming dalawa. Hindi pwede iyong inaaway ko si Arruba tapos sa huli sila ang ending, hindi ako papayag no! Over my dead body!

"Oo. Dahil bini-bitch ko si Arruba at kung mahal mo naman pala siya, ano pang use ng pambi-bitch ko sa kanya?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napangiti si Azul. Hinatak niya ako sa braso at hinagkan sa noo.

"Wala akong nararamdaman kay Arru, mahal ko siya pero hanggang kaibigan na lang. Hindi na lalagpas doon. Naisip ko nga na noong nakikilala kita, doon ako mas naliwanagan sa nararamdaman ko para sa kanya. Matagal nang wala, I just thought that there's still something in there but when I met you and when I realized that I want you in my life, noon luminaw ang lahat. Wala nang Arru because Leira happened in my life."

I bit my lower lip. "Tang na ka, kinikilig ako!" He giggled. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Kahit kailan hindi ko naisip na darating ang isang tulad ni Azul sa buhay ko. Noon, tuwing iniisip kong magkaka-boyfriend ako ay iyong masisira kong schedule ang naiisip ko but then, having him seemed to make my life easier.





Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon