Challenge # 11

117K 4.1K 1.1K
                                    

"Hindi tayo pwedeng maging magkaibigan."

Matigas ang bawat katagang binitiwan ko sa kanya at halatang ikinabigla niya iyon. Bahagya kasing nagbago ng hitsura ng mukha niya. Matalino ako at kailangan kong rendahan ang sarili ko mula sa kanya sapagkat alam kong sa huli ay masasaktan lang ako. Ayokong masaktan. Hindi ako sundalo na pupunta sa mission kahit na alam kong suicide iyon.

"Sabi sa When Harry met Sally, hindi pwedeng maging magkaibigan ang isang babae at lalaki. So we cannot be friends. Maghanap ka na lang ng ibang mabibiktima mo. Busy ako at wala ka sa schedule ko. Umalis ka na."

Tinalikuran ko siya. Wala akong gustong sabihin sa kanya. Tama na ang ginawa sa akin ng mga kaibigan niya. Tama na iyon. Hindi ako magpapakatanga. Umakyat muli ako sa aking silid tapos ay nagkulong doon. Nahiga lang ako sa kama at muling nakatulog. Tanghali nang muli akong magising. I sat up on the bed. Mas lalo pa yatang sumakit ang ulo ko dahil sa nangyaring komprontasyon sa amin ni Azul kanina. Pakiramdam ko y pumipintig ang ulo ko at umiikot ang paningin ko.

"Tang inang vodka 'yan!" Nayayamot ako. Tumayo ako para pumunta sa bathroom pero napaupo akong muli dahil sa gulat nang makita kong nakaupo si Azul sa silya ng study table ko. Para bang inip na inip siya.

"Not your imagination, Leira. I'm real and your window is broken." Malumanay na wika niya. Ibig bang sabihin noon sa bintana ko naman siya dumaan? Hindi ba malinaw sa kanya na ayoko siyang maging kaibigan? Ayoko ng komplikadong buhay at alam ko na sa oras na payagan ko siya na pumasok sa buhay ko ay magkakaproblema lang ako but here he is again at ginugulo nya ako.

"Umalis ka na!" Nakadama ako muli ng pagkahilo kaya tumayo na ako para pumasok sa bathroom dahil alam konb masusuka ako. Kasabay nang pagtayo ko ay ang pag-ikot ng paningin ko t ang paglabas ng kung ano sa bibig ko. I threw up -- on Azul's shirt -- again.

"Puta! When are you gonna stop ruining my shirt?!" Tumakbo ako sa bathroom. Doon ko ipinagpatuloy ang pagsuka ko. Pakiramdam ko ay inilabas ko na ang lahat ng kinain ko sa buong linggong iyon at nang matapos ako ay lalo akong nakaramdam ng panghihina dahil natagpuan ko si Azul sa kama ko na nakaupo habang wala nang saplot. Tinatakpan na lang niya ng unan ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

"Oh for god's sake!" Anas ko.

"Sinukahan mo ako. Alangan naman kung isusuot ko pa iyon! Maliligo ako! Tabi!" Nilagpasan niya ako. I bit my lower lip as I watched him as he walks to the bathroom. Nakita ko na naman ang behind niya --that sexy ass. I sighed dreamily.

Bakit ang puwet ni Azul mas makinis pa kaysa sa mukha noong babaeng --si ayaw kuminissssss -- I laughed at myself.

Inayos ko ang sarili ko. Nagsuklay ako ay nagpalit ng damit. Mabilisan kong ginawa ang huli dahil nag-aalala ako na baka lumabas na agad siya ng banyo at makita ako. Nakaupo akong naghintay sa kanya. Hindi naman siya nagtagal gaano sa banyo nang lumabas siya ay suot niya ang boxer shorts niyang minions ang design. Ayoko mang tumingin doon ay hindi ko naman mapigilan.

Bakit ganoon? Hindi naman hapit ang boxers niya pero bakit may naaaninag akong bukol? Nanlalaki ang mga mata ko. Naalala ko iyong napanood kong porn dati. Iyong babae, sinampal ng lalaki sa kanya ang saging na lakatan nito.

Oh my god! Bakit naiisip ko ang pakiramdam kapag sinampal ako ni Azul ng lakatan niya?!

Ayoko!

"Green minded!" Wala sa loob na sigaw ko. Wala pa sa schedule ko ang maging hindi virgin ngayon! Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siya dapat tinitingnan.

"Umalis ka na. Ayokong makipagkaibigan sa'yo. Marami ka namang friend. Doon ka na lang." Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Pinaaalis ko na siya. He sighed and walk towards me. Gusto ko sanang itanong kung uuwi ba siya nang naka-boxers lang pero hindi ko na tinanong. Nauna siyang naglakad pero nang narinig ko si Papa ay muli ko siyang hinatak papasok ng silid ko. Bakit hindi ko gagawin iyon? Nakahubad siya baka kung anong isipin ni Papa.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon