Challenge # 22

136K 4.2K 1K
                                    




"Mag-usap nga tayo."


Pinasok ko si King David sa silid niya at doon natagpuan ko siyang naglalaro ng kung anumang game sa console niya. He was half naked. Naka-boxers lang siya at mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang tattoo niya. Lahat kami sa grupo ay may tattoo. Ako sa mula sa balikat papunta sa dibdib ay naroon ang mukha ni Olivia, si David ay sa dibdib lang – roses and skulls, si Judas ay nasa parteng baba ng likod niya ang tattoo habang si Ido sa likod ng binti – sakop ang buong parteng iyon habang si Axel John ay sa leeg pababa sa dibdib niya.


King David threw his controller and looked at me. Wala akong mabakas na reaksyon sa mukha niya Nakatingin lang siya sa akin. Kinuha niya ang stick ng sigarilyo niya at hinithit iyon sa harapan ko. He stood up and went to the balcony of his room. Sumunod naman ako. Tapat na tapat ng balcony ang swimming pool sa ibaba.


"Ano bang gusto mong mangyari, KD? I thought you said that I deserve to be happy and that I am the brother that your parents failed to give you. Anong ginagawa mo ngayon?"


"You deserve to be happy, but Arruba deserves happiness too. The only time I saw her genuinely happy was the time when she was with you. I want her to be happy so I want her with you. Mahirap bang intindihin iyon? Hindi ako papayag na maging masaya si Leira habang si Arruba ay nasa sulok at palaging lumuluha."


"You love her, why not make her happy?"


Matagal na nanantiling tahimik si King David habang nakatingin sa kawalan. Ilang ulit siyang nagbuntong hininga. Tinalikuran niya pa ako at nang bumalik siya ay kasalukuyan niyang tinutungga ang isang bote ng Jack Daniels na kinuha niya sa personal ref na nasa silid niya.


"Do you know this feeling, Simoun Paul? There's something inside of me – a ball of jealousy, maybe... anger, I don't know but every damn time I see Arruba and she smiles at me the ball just turns to jelly and suddenly I am okay... Then, I fell. I fell for her, that's no secret. Even she knew about it, and she wanted to give me a chance but she said that she didn't want to hurt me. What could I do? I could only be thankful because she wanted to spare me the pain but fuck! The ball inside me is now a massive black hole. Tulad mo gusto ko lang maging masaya pero paano ko gagawin iyon kung iyong nagpapasaya sa akin ay ikaw lang ang makapagpapasaya? I knew better, Simoun. I love you, you are my brother and it's a miracle you found your happiness wiith Leira, but how about Arruba? Sinong nakakaalala sa kanya? Do you see how she looks when she sees the two of you? Nasasaktan siya! Nasasaktan siya at nasasaktan ako!"


"Pero hindi iyon sapat na dahilan para sirain mo ang kung anong meron kami ni Leira!" Sumigaw na ako. Binato ni King David ang bote ng alak na dala niya. Hinarap niya ako. Kakaiba na ang tingin sa akin ni King David. Hindi ko naman siya pinansin. Hindi ako papayag na masira ang kung anong meron kami ni Leira dahil lang sa kanya.


What I have with Leira is something beautiful. I will never let that go.


Nabigla ako nang suntukin ako ni King David sa mukha. Matapos niya akong suntukin ay dinaluhong ko siya. Dumulo kami hanggang sa pareho kaming mahulog mula sa balcony hanggang sa mahulog kaming pareho sa pool. Nagpambuno kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ipinaglalaban ni King David ang kasiyahan ni Arruba. Hindi ba pwedeng alagaan niya si Arruba at tulungan niyang kalimutan ako? We can be friend but we can never be more than that because I'm in love with Leira and for me she's all that matters now.


Sinuntok ako ni King David, nakasuntok din ako. Pilit ko siyang inilulubog sa pool. Nagpupumiglas siya.


"Putang ina ka!" Wika ko. "Babarilin kitang gago ka!"


Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon