Chapter Twenty Three

28 1 0
                                    

3:00 AM

Sinilip ko ang orasan. Hindi ako makatulog ng maayos. Ang daming bagay na tumatakbo sa isip ko... Humarap ako kay Eun-woo na kasalukuyang natutulog ng mahimbing. Mas lalo akong nalungkot nang ma-realize kong ngayong araw na ang pag-alis nila.

Hindi ko na naman mapigilan ang maluha. Masyado na akong attached sa kanya eh. Umabot ako sa puntong nagdadalawang-isip akong magpaiwan dito. Gusto kong sabihin sa kanyang isama nalang ako para araw-araw ko siyang makatabi sa pagtulog.
Ang bigat sa pakiramdam lalo na pag pinipigilan mong humagulhol para hindi ka marinig, kaya naisipan kong lumabas nalang at ikalma ang sarili. Kinuha ko ang cellphone ko't dahan-dahang bumangon, sinilip ko siya bago ko isinara ang pinto.
Sumandal muna ako nang maisarado ko ito at napapikit habang umiiyak. Madilim ang paligid, pero ni isang beses sa buhay ko ay hindi ako nakakaramdam ng takot na baka may multo—dahil hindi ko pa naman nararanasan ang makakita o makaramdam nito.

I tapped my phone's screen para mailawan ang dinadaanan ko hanggang nakaabot ako ng terrace na naliliwanagan ng buwan at ng mga ilaw mula sa labas. Huminga ako ng malalim, kasabay ang malakas na hangin na humawi sa buhok ko.

Ang ganda ng mga bituin...

Umupo ako sa sahig at pinagmasdan ang langit. Tanging mga kuliglig lang ang naririnig ko sa paligid at sa malayo ay may naaaninag akong mga kumikislap na alitaptap. Gusto ko tuloy itong lapitan at hulihin.

Hinawakan ko ang aking tyan at hinaplos ito. Talaga bang handa na akong maging isang ina? Kakayanin ko ba ang hinaharap na kasama siya? Paano kung hindi ko ito maalagaan ng tama? Paano kung paminsan-minsan niya lamang makapiling ang sariling ama?

Natatawa ako sa sarili ko ngayon, bigla-bigla ba namang naging parang isang makata sa mga oras na 'to eh.
Tumayo ako at pinunasan ang mga luha aking pisngi, pero hindi na 'ko nakapagpigil pa't napaiyak nalang lalo. Nalulungkot ako dahil bukas, hindi ko na makakasama si Eun-woo. Hindi ko na siya katabi sa pagtulog at mas lalong hindi ko na mararamdaman yung mga paghalik niya sakin.

Ang daya naman... Masaya nga dahil nagbunga agad ang pagmamahalan namin, pero hindi ko naman siya pwedeng makasama ng matagal.

Dapat kasi talaga pinilit ko nalang ang sarili ko na matulog eh. Hindi ko tuloy mapigilan ang umiyak ngayon. Sepanx na naman, paano kaya kung di nalang ako sumama sa paghatid sa kanila mamaya? Pangalawang beses na 'to pero habang tumatagal, mas lalo namang mabigat sa pakiramdam ang makita siyang umalis.

For the last time, pinunasan ko ang mga luha't sipon ko. Oo na, para na 'kong bata.  Napagpasyahan kong tumayo at bumalik nalang ng kwarto pero laking gulat ko nang may biglang humila sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi na 'ko nagtaka kung sino ito, dahil saulong-saulo ko ang amoy niya...

"Babi..."
Ayan naman, napaiyak na naman ako lalo. Nakakahiya, hindi ko talaga magawang pigilan. Kusa silang bumubuhos.
"Don't cry," sabi niya at hinaplos ang buhok ko.  Mas humigpit ang yakap ko nang maramdaman ko ang paghalik niya dito.
"I know it's hard for you, but this is only for now." Kumawala siya sa yakap at yumuko sakin para punasan ang mga luha ko. He held my chin then said, "Can you hold on a little longer, for me?"
Hindi ako nagsalita at tumango lang. Tumawa siya ng mahina at hinalikang muli ang aking noo. Binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib, naririnig ko ang heartbeat niya.
"The stars are really beautiful, right?"
"M-hmm..."
"Remember when we were at the hotel? The night before my fanmeet?"
"What about it?" Mahinang sagot ko. Halata sa boses kong kaiiyak lang. Hindi pa nga ako makahinga gamit ang ilong.
"I looked at the stars and asked them, 'is she finally the one? is this happening because we are destined for each other?' and I couldn't even hear myself think because you were speaking non-stop."
Pareho kaming napatawa at gumaan kaagad ang pakiramdam ko. Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya
"Really? You thought... I was the one?"
"Yes. Pathetic, right? I'm busy working and have hectic schedules so I don't even have much free time for love life and now,"—sinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat at hinawakan ang kamay ko—"We're already having our first child. Who would have thought I could actually become a father and a husband? Everything happened so fast, right?"
"I'm still scared after all, babi..."
Umupo siya sa bench at hinila ako upang umupo sa kanyang hita. Nagdadalawang-isip pa ako dahil alam kong mabigat ako, pero agad niya akong niyakap mula sa likod.

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now