Chapter Four

46 1 0
                                    

"Woaahh... You work pretty fast."

Hindi ko masabing naiilang ako na pinapanuod ni Eun-woo ang ine-edit kong vlog kanina. Sobrang natuwa pa siya nang mapanuod ang mga fans. Conscious rin pala siya sa mukha niya. Grabe, hindi siguro siya naniniwalang gwapo siya? Hahaha!

"I'm so happy today."
Sumandal siya sa sofa at nakangiting pumikit. He must be so tired, napansin ko kasi ang eyebags niya.
"He's going to fall asleep in any second." Bulong sakin ni Daisy at pinapanuod rin ang ginagawa ko.
"Sshh..." Kinuha niya naman ang cellphone niya at kinunan ng picture si Eun-woo. Sobrang close pala nila ni Daisy. Nakakatuwa silang panuorin. Siguro ay kapatid na ang turing nila sa isa't-isa.

May lumapit na isang staff kay Daisy kaya nagpaalam muna siya sakin dahil may gagawin lang daw ito. Gusto ko sanang kunin ang cellphone ko para kunan ng litrato ang natutulog na Cha Eun-woo, kaya lang alam kong bawal ito. Tingin ko pa'y pinagtitinginan ako ng ibang staff dito. Suot ko naman ang ID kong may malaking PRESS na nakalagay at pangalan ng radio company namin. Behave naman ako magdamag, mapagkakatiwalaan naman nila ako noh. Hindi naman ako snitch. Relax, mga idol. Huhuhu!

Isinuot ko nalang ang isa pang earphone dahil tinanggal ko ito kanina nung nag-uusap kaming tatlo. Siguro inabot na ako ng isang oras sa page-edit. Hindi parin ako kumakain ng lunch. Kumain na kaya sila? O baka kumain na sila bago pa mag umpisa ang presscon. Kaso ako, tubig lang nainom ko mula pa kanina eh. Huhuhu. Hihintayin ko nalang si Daisy na bumalik at tatapusin ko nalang ang ginagawa ko.

Nilingon ko si Eun-woo at para parin akong nasa isang panaginip. Ang gwapo niya lalo pag tulog. Yung labi niyang mapupula at makinis na mukha. Yung ilong niyang sobrang tangos, at ang haba pa ng mga pilikmata nito. Tulog nga siya. Pagod na pagod talaga. Ewan ko kung nasa tamang pag-iisip ba ako ngayon, pero feeling ko para ko siyang jowa ngayon. Hahaha! Pagbigyan mo na sarili mo, Angela. Hanggang pangarap ka lang rin naman eh. Asa ka namang magugustuhan ka ng isang sikat na Korean celebrity, si Cha Eun-woo pa. Eh halos napapaligiran siya ng mga magagandang celebrity mula sa iba't-ibang bansa noh. Lakas talaga ng tama mo kahit kailan!

I closed my eyes then stretched my neck. Ang sakit na rin ng likod ko kakatutok sa screen. Nasa coffee table kasi nakalagay ang laptop, kaya hindi ako makaupo ng maayos. Ano kaya kung umupo ako sa sahig? Ay, nakakahiya naman. Makapag focus na nga lang.

Nasa part na 'ko ng pangatlong question and answer ni Eun-woo at ang inaalis ko lang naman ay mga unnecessary part ng clips para hindi masyadong humaba ang video. Nang makaabot ako sa last part ng question ay bumalik rin naman si Daisy.

"I really need to go and pack my things. Our team is gonna go and prepare at the stadium. Are you coming with us?"
Tiningnan ko si Eun-woo na tulog parin.
"I-I'm not sure... I still need to finish this vlog though. But I'll also be coming to the fancon for another vlog."
"Oh, so you'll also be near the stage, right?" Tumango ako sa tanong niya.
"Okay. Let's just wait for a while. I don't know if the manager can allow us to bring you..." She looked worried.
"No, it's okay! I totally understand the situation. Don't worry about me, Daisy."
Tiningnan niya si Eun-woo at ngumiti sakin.

"Let's just wait for him to wake up. I still have your number though. I can call you anytime. Okay?"
"Okay. Be safe!"
"You too, Angela. See you!"
Kumaway siya sakin at umalis.

"Hmmm..."
Napalingon ako kay Eun-woo na humikab habang hinagod ang mga mata. Unti-unti itong bumukas at naniningkit na tumingin sakin. Nasisilayan siguro sa ilaw.
"Did I fall asleep?"
"No." Pagbibiro kong sagot dahilan para tumawa siya ng mahina, parang batang kagigising lang.

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now