Chapter Twenty Two

34 1 2
                                    


Ipinaghabilin nila mama sa isa sa mga pinsan ko ang pagpapakain sa mga alaga naming mga aso't pusa habang wala sila sa bahay. Sasama kasi sila samin hanggang sa paghatid kila Eun-woo sa airport bukas. Sila kuya at papa ay minamaneho ang kani-kanilang sasakyan na sinusundan lang namin.

"Go sleep, babi. It's a 3-hour travel, right?"
"Mhmm~"
"Here, I made a playlist for you."
Inilagay niya sa tenga ko ang isang airpod.
"This is nice. Thank you~"
Hinalikan niya ako sa noo, tinapik-tapik ang aking tagiliran na para bang isang batang pinapatulog.

"And baby, tonight we'll have a good time
Forget all of our troubles, close our eyes and let go
I don't mind if we get our drinks on
Your mama may not like it, but I sure as hell will
And when the sun goes down—"

Ang ganda naman ng kantang 'to...

"What's the title of this song?" tanong ko.
"Bonfire by Peder Elias. You like it?"
"I love it~"
"I just discovered him recently and started to listen to his songs."

"We'll be dancing to songs from the old days
Swing from the trees
Bend all the rules 'cause we love how it feels
By the bonfire, baby
The moon's gon' be crazy
'Cause I think I'm in love with you"

Lunch time nang dumating kami sa rental house. Naging mabilis ang byahe dahil hindi traffic. Inalalayan akong bumaba ni Eun-woo habang dala-dala ang aking tote bag.
"Don't forget my doctor's appointment, babi... 3 PM." Sabi ko sa kanya.
"Ne~ Are you still sleepy?"
"Yeah," I rubbed my eyes dahil naniningkit ako sa silay ng araw. Buti nalang ay hindi ako inatake ng motion sickness dahil nakatulog ako buong byahe.
"Okay, just one moment."
Bumaba naman sila mama sa sasakyan nang makapag park sila sa gilid.
"Nasan sila kuya, Ma?"
"Bumili ng pananghalian. Hindi ka ba nahihilo?" Tanong niya naman nang makapasok kami ng gate na kabubukas lang ni Eun-woo. Nakakandado kasi.

"Matutulog na po muna ako ma, pa... 3 PM pa naman po yung check-up ko."
"Hindi ka ba kakain muna?"
"Papagising nalang po ako kay Dong-min pag dumating na."
Sinamahan naman ni manager Noh ang papa ko sa sala dahil manonuod daw siya ng TV.

Basketball match na naman yun panigurado— oo nga pala!

"Jagi~ papa loves to watch basketball. Do you want to join them."
"Really?! Okay, but I'll take you to our room first. Are you sure you want me to wake you up for lunch?"
"Yup. I can manage, don't worry."
Tinanggal niya ang kanyang mask at itinapon ito sa trash bin.
"Ma," napangiti ako ng malapad dahil unang beses ko itong narinig mula kay Eun-woo. My parents insisted kasi na 'Ma' at 'Pa' nalang daw ang itawag niya sa kanila.
"Yes, Dong-min?" Pati si Mama o, kinikilig!
"I will just take Angela to her room so she can rest."
"Okay, dear. Thank you."

Pagkadating namin ng kwarto ay agad naman akong humiga dahil sa pagod. Hindi ko na nga ma-gets kung nahihilo ba ako o talagang nakulangan lang sa tulog.
"I'll be fine here, babi. I'll just take a nap."
"Okay. Sleep well, babi."
Hinawi niya ang bangs ko at mahinang kinurot ang aking ilong bago siya umalis.

Masyadong mabilis ang oras. Mamaya'y mag gagabi na naman, tapos bukas...
Ayoko nalang isipin. Naiiyak na naman kasi ako eh. Kahapon ko pa talaga pinipigilang maging emotional dahil ayokong ipakita kay Eun-woo na ganun ako. Ayokong isipin niyang OA akong tao.

Nagising ako at nakitang pasado alas dos na pala. Babangon na sana ako nang maramdaman kong may katabi pala ako ngayon, walang iba kundi ang magiging asawa ko. Kanina pa ba siya tumabi sakin?
At bakit ang gwapo niya parin kahit tulog?
I leaned my head on my hand at tinitigan lang siya. Kahit siguro abutin kami ng isang taong magkasama, bawat gising ko paring katabi siya ay tila isang panaginip...
Naramdaman ko tuloy na nagugutom ako kaya dahan-dahan akong tumayo. Gigisingin ko nalang siya pag aalis na kami for check-up.
Pagkalabas ko naman ay narinig ko ang mga tawanan nila Mama na nasa sala at mukhang nag movie marathon. Ang ingay na naman ng pamangkin ko. Haha!
"Ma? San si manager Noh?"
"Sa kwarto nila, nak. Nagpapahinga."
"Ah, okay po." Tumungo naman ako agad sa kusina at nakitang inasal pala ang inulam nila. Kumain na rin ba si Eun-woo? Tsaka nagpapagising ako sa kanya kanina eh.

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now