Chapter Seven

36 1 0
                                    

Angela's POV

"Masakit parin ba ang ulo mo, bes?" Tanong ni Gail at umupo sa tabi ko.
"Slight, bes. Kaso hindi ko pa natatapos ang vlog ko. Need kong ma-upload by morning eh."
Binuksan ko ulit ang laptop ko para makatulog na 'ko ng maayos pag natapos ko na agad.

Umalis na nga pala si Eun-woo para makapagpahinga na rin. Kung pagod ako ngayon, mas lalo naman siya. Halos wala na nga atang maayos na tulog yun dahil sa tour. Naalala ko na naman ang sinabi niya sakin nung hinatid ko siya sa pinto.

"I'll call you on Kakao Talk tomorrow, okay? Good night! Rest well. Bye-bye!"

Oo, siya nga talaga ang nag add as contact sakin dun para daw hindi siya mahirapang i-contact ako. At kanina pa kami nag Q&A ni Gail simula nung umalis na si Eun-woo. Pareho lang naman kami ng nararamdaman, na hindi makapaniwalang nakakausap namin ang sikat na sikat na Cha Eun-woo. Baka daw ginayuma ko. Hahaha!

"Bes, sleepy na rin me. Ang aga kong nagising para pumila kanina eh. Akala ko nga di ako makakatulog after kong makita si Cha Eun-woo pero---" humikab siya at humiga sa kama.
"Nanghina ako lalo pagkatapos ko siyang--- makita..."
At nakatulog na nga. Tumayo ako para ayusin ang kumot saka bumalik sa trabaho.

3:00 AM

I. Am. Almost. Freaking. Done.

Haaaay~ salamat!

I stretched out my arms, neck and leg nang matapos ang page-edit ng vlog. Sinilip ko ang oras at saktong 3 AM na. Hinihintay ko nalang ang exporting process ng video at baka mamaya'y nag error pala. Ganon paminsan ang applications eh, kainis.
Iba pala talaga pag passion mo, ano? Kahit nakakapagod ay nagagawa mo paring tapusin ito. Mindset lang talaga ang susi. Kung gusto mong maabot, paghihirapan mo.

Pinatay ko na ang laptop at tumabi kay Gail. Kinuha ko naman ang phone ko para manuod ng reels, pampatulog lang. Nakita ko sa notification bar na nagchat pala si Eun-woo.

좋은 꿔요 ʕ⁠⁠•⁠ᴥ⁠•⁠ʔ⁠

Nakakainis naman siya. Need ko pa talagang i-translate eh. Tsaka mahilig talaga siyang gumamit ng ganitong emojis? Baka mahawa ako!
Kinopya ko ang text para i-translate ito online.

'Sweet dreams'

Eun-woo naman... Papaano ako makakatulog ngayon kung kinikilig ako ng ganito? Para na naman akong baliw na ngumingiting mag-isa. Normal nalang para sa isang sikat na katulad niya ang makatanggap ng compliments at pagmamahal kaya hindi ko na kailangang dumagdag pa. Ang sikip-sikip na nga kanina sa coliseum. Partida, dito pa lang sa Pilipinas 'yon. Pano pag nagkaisa na silang lahat na mga fans niyang baliw na baliw sa kanya. Isa pa 'tong katabi ko ngayon. Napaiyak nga nung makita siya ng malapitan. Hahahaha! Tawang-tawa parin ako kasi akala mo naman nanalo sa lotto eh.

Totoo rin naman, kahit sinong fan siguro ay magwawala pag nakaharap ang idol. Nakausap pa talaga. Ang swerte naman ni Gail. Hahaha! Kausapin ko kaya si Eun-woo na bigyan ng flower si Gail noh? Gagi, close yarn?
Oo nga naman, dapat hindi ko aabusuhin ang pagiging mabait niya sakin. Di porket naging kaibigan ko siya ay pwede ko na siyang utusan ng ganun. Lagi kayang may proseso sa kanila kapag may favor. Kung babayaran ko siya, magkano naman kaya? Baka nasa P50k, wag nalang. Hahaha!

Kung anu-ano na naman tuloy ang pumapasok sa isipan ko. Ganito talaga utak ko pag 3 AM na eh. Nilapag ko nalang ang phone sa side table at pinatay ang ilaw. Pinilit ko ang sarili kong matulog pero nakailang palit na 'ko ng position, wala parin. Iniisip ko parin ang mga nangyari kanina. Halos hindi nga maproseso ng utak ko hanggang ngayon.

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now