Chapter Ten

36 1 0
                                    


3:00 PM

Silip ako nang silip sa relo ko dahil sobrang tagal pala talaga ng byahe patungong Montalban. At saka Rodriguez, Rizal din pala ang tawag dun? Di bale na nga, basta ba hindi ako maligaw. Feeling ko nga ay hindi na ako makakauwi ngayong araw, at baka dun nalang makikitulog. Dapat pala kaninang madaling araw ako bumyahe eh.

*KaTalk!*

Eun-woo: Where are you now?
Me: Almost there, I think
Eun-woo: Is it traffic?
Me: Not really but it's too far
Eun-woo: Oh no.. Will get home tonight?
Me: I should. I didn't bring any clothes lol
Eun-woo: LOL don't worry, I'll go get you

Ayan na naman siya sa pagiging aggressive niya eh. Si Eun-woo yung tipong nakukuha talaga kapag may gusto siyang kunin. Naaalala ko tuloy nung bata pa ako. Iiyak talaga in public kapag hindi binili yung gusto kong laruan. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Nakakalungkot nga kapag nasanay ka sa ganun, tapos nasa adulting stage ka na. Sana hindi ako pinalaki ng ganoon nila Mama eh. Ang hirap kayang mag adjust...

Sinabi ko nalang kay Eun-woo na dun nalang siguro ako matutulog dahil natatakot akong umuwi ng gabi. Nagpaalam rin akong matutulog nalang muna sa byahe sabay soundtrip.

Now Playing: Chinese New Year by SALES

"Miss, Miss."

Nagising ako sa kalbit ng isa siguro sa mga pasahero at sinilip ko ang lugar, mukhang nakarating na kami dahil nagsibaba na ang karamihan.

Makakatipid sana ako kapag nag tricycle or jeep ako, pero hindi ko pa saulo kung nasaan eh. Nakalimutan ko na yung daanan papunta sa bahay ng pinsan ko. Basta nasa isang subdivision. Nag-uusap rin naman kami via Messenger at sinabi niyang sumakay nalang daw ako ng taxi.

May dala nga pala akong pasalubong, tapos makikikain na rin ako pagdating. Gutom na gutom eh. Hahaha!

Nakita ko naman kaagad ang pinsan kong nakatayo sa labas ng bahay kaya nagbayad na ako at bumaba.
"Hi, Gel! Kamusta ang byahe?"
Nagbesohan kami ni ate Lily at saka pinapasok ako. Ang daming nagbago sa bahay nila. May mga aso na rin pala sila. Dati kasi, simple lang at wala pang mga halaman at pets.

"Okay lang naman, te. Ang layo pala talaga mula sa Cubao, noh? Ah- heto nga pala, pang meryenda."
Inabot ko sa kanya ang isang box ng pizza at Korean fried chicken.
"Uy, salamat! Nag-abala ka pa. Oorder na rin sana ako pagkadating mo eh. Candice!"
Bumaba naman si Candice at nagmano ito sakin. Alam niyo yung feeling na parang ang tanda mo na every time may nagmamano sayong pamangkin mo? Hahaha!

"Diba DJ ka na? Pa greet naman kami pagbalik mo!"
Nagtawanan kami tapos kwentuhan, sa kung anong pinunta ko sa Maynila at kung anong trabaho ko. Pulis nga pala si ate Lily. Astig noh?
"Ah, nga pala. May byahe pa kaya ng mga 7, te?"
"Nako, delikado sayo pag hindi mo saulo ang lugar. Pwede naman kitang ihatid. Ayaw mo na bang pumarito muna? Bukas ka nalang umuwi."
"Wala kasi akong dalang damit, te eh. Akala ko isang oras lang ang byahe."
Tinawag naman kami ng kasambahay nila para kumain na. Actually, kanina pa kumukulo ang tyan ko.

Nakalimutan ko pang sabihin kay Eun-woo na nandito na ako.

Teka, hindi niya naman siguro hinihintay ang update mo. Ano ka niya, jowa? Heh!

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now