Chapter Two

50 1 0
                                    


Ninoy Aquino International Airport
2:43 PM

Hinihintay ko nalang ang maleta ko dito sa baggage carousel. Nakakainis nga dahil sa sobrang pag overthink ko, what if wala dito? Or hindi naisama?

Ayan ka na naman sa pagiging nega mo, Gela!

Basta mauve ang kulay! Syempre kilala ko ang maleta ko. Sobra kasing mag overthink. Parang buong flight ko hindi ako natulog, ni hindi ko ma appreciate ang clouds kahit nasa tabi na 'ko ng bintana ng plane. Nag overthink lang ako the entire trip.

Eh sino ba naman kasi ang hindi mago-overthink kung nasa kalagayan ko? First time kong mag travel mag-isa, may possibility na maliligaw ako dahil praning at lampa ako. Mabilis akong mataranta. Feeling ko para akong nawawalang pusa dito sa airport.

"Hay, salamat!"
Bulong ko sa sarili ko nang makita ko ang maleta ko saka ito kinuha. Nang makita ko ang exit ay may nakasabay akong mga foreigner na sinusundan ko ngayon. Sa salita nila, alam ko nang mga Koreano ito.

Excuse me, can you please teach me how to speak your language?

Kung pwede lang makiusap sa kanilang turuan ako ng basic phrases eh. Kung sakaling magkaroon ako ng chance na ma-interview yung Korean celebrity. Kainis! Dahil sa kanya, nagsasakripisyo ako ngayon. Sobrang dependent ko pa naman kasing tao. Tapos ngayon, heto lang ako at mag-isang nagtatrabaho. Dito pa talaga sa pinakamalaking city ng Pinas. Nakakaiyak ha.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa para subaybayin ang hotel na uuwian ko gamit ang Google Maps. Pagkatapos ng fanmeet bukas ay uuwi naman ako kinabukasan. Magre-rehearse pa nga ako ng mga ibabato kong tanong para sa conference. Malaki kasi ang expectation ng manager namin dahil ginastusan niya daw ito for our YouTube content. Kaya dapat daw may maiuuwi akong clips nung celebrity para sumikat yung channel namin at mabilis na ma-monetize. Nakaka pressure, diba? Trabaho ko kasi ang pagpapalago ng SocMed ng station.

"Sana lamunin nalang ako ng— tae!"

Nahulog yung phone ko dahil nabangga ko yung taong nasa harapan ko't nabitawan ang handle ng maleta kaya bumagsak rin ito sa sahig.

"Jesonghamnida!"

Inangat ko ang ulo ko nang makuha ng nabangga ko ang cellphone mula sa sahig—then my heart skipped a beat—nakita ko ang isang maputi at matangkad na lalaking nakasuot ng black mask, black shades at black cap. Sobrang bango niya pa. Bago pa man ako nakapagsalita ay bigla akong hinarangan ng isang airport guard at halos itulak na ako.

"Ma'am, dumistansya po muna kayo."
Papalag na sana ako kay kuya guard nang hawakan nung lalaki ang braso ko at tinulungan akong makatayo.
"Th-Thank you..."
Muli siyang yumuko at inabot ang cellphone ko sakin saka nilapitan siya ng mga kasama niya. Ang dami pala nila eh. Teka– is he a VIP? Napapalibutan pala kasi siya ng apat na airport guards! Kinausap siya ng isang kasama niya at nagsalita sila in Korean kaya syempre, wala na akong naintindihan.

"Are you okay?"

Hay salamat, marunong naman pala siyang mag ingles. Ang cute pa ng accent!

"I-I'm okay," sinilip ko yung mga kasama niyang nakatingin lang samin at hinihintay siguro itong lalaki. Nagmamadali sila.
"I'm– really sorry about that. I wasn't paying attention to where I'm going."
Hindi ko alam ba't nauutal ako. Heto na naman itong ugali kong mahiyain. Argh!

Unang oras ko pa dito sa Luzon ay nakakagawa na 'ko ng katangahan. Paano nalang ako bukas? Uwaaaa~! Buti nalang talaga at uso ang mask ngayon kaya medyo hindi nakakahiya kasi paniguradong iniisip nilang lampa ako, which is true. Huhuhu!

A Star My Hands Can Never HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon