Chapter Three

35 1 0
                                    

CHA EUN WOO Fan Meeting and PressCon 2022, Just One 10 Minute Starry Caravan in Manila
8:00 AM

"From 89.1 Fire FM, correct?"
Tanong sakin ng staff mula sa booth kung saan ay kukuha kami ng Press ID at isuot habang nasa loob. Pumirma naman ako at pinasa ang isang interview question ko dahil kailangan itong aprubahan ng management bago itanong sa kanya. Ganoon ka-strict ang Korean industry.
Pumasok na 'ko sa venue dito sa hotel. Nagpapasalamat talaga ako at nandito lang. Dahil baka ma-late pa 'ko kung sakaling naligaw ako sa daan noh. Nakita ko ang iba't-ibang mga media company na nagre-ready na rin. Ako lang siguro ang pinakabata sa kanila. Nung pumwesto ako sa harap ay napatingin ang iba sakin kaya nginitian ko sila. Inipit ko na ang lapel sa damit ko at hinanda ang video camera.

"Anong oras ba lalabas?" Rinig ko mula sa likod. Mga cameraman ata.
"Alas onse daw, pre eh. Pero alam kong late 'yan."
"Maghanap ka na ng magandang pwesto sa likuran para in frame yung stage."

Hindi na 'ko nakinig sa usapan nila at iniwan ko nalang ang bag ko sa upuan. Gagawa pa kasi ako ng snippets para sa intro ng vlog ko. Mula entrance papasok sa venue.

"Hey, guys! It's your rakista girlfriend, Angela! Guess what? I'm in Manila today to attend a very special Meet and Greet of Korea's Cha Eun-woo! I am super nervous right now, it's actually my first time to attend a presscon of a famous Korean celebrity. Right now, I'm about to enter the venue... as you can see, there are fans who are already lining up to get inside. Wow, they must be feeling super lucky to finally meet their Korean idol, close up!"

Lumapit ako sa isang fan na nasa linya at kumaway sa kanya. Nakita niya naman ang ID ko at naghiyawan sila sa camera.

"We love you, Nunu! Aaaahhh~!!!"

Sa sobrang lakas ng mga hiyaw nila, feeling ko may feedback sa lapel ko. Hahaha!

"Hi, there! May I know your name, please?"
Tanong ko sa isang babaeng fan na may suot na headband at mukha ito ni Cha Eun-woo. Kinikilig siya at tumili-tili habang kumakaway sa camera na hawak ko.

"I'm Belle! OMG, hi! Eunwoo! Saranghaeyo!"
Kumaway-kaway at nag finger hearts siya sa cam at muntik niya pang tanggalin ang kanyang mask kaya natawa kami pareho.

"How long have you been a fan of Cha Eun-woo?" Tanong ko sa kanya.
"Since I first watched My Romantic Some Recipe! I love you, Nunu!"
Grabe, sobrang hype nilang lahat. Pati tuloy ako nawiwiling mag vlog.
"Wow! That's way back in 2016, am I right?" Tanong ko naman.
"Yes!!!"
"Wow, you've been a fan of Eun-woo for so long. Is this your first time to see Eun-woo in person?"
"Yes! Actually po pinag-ipunan ko po talaga itong fan-meet niya dahil hindi ako nakapunta nung 2019. That was his first JOTM fanmeet here! May video nga po ako nung binasag ko yung piggy bank ko." Natawa naman ako, itinapat niya ang kanyang cellphone sa camera para ipakita yung video.

"Wow! How does it feel to be finally here? Meeting him close-up?"
"Dream come true po talaga, as in! Sobrang excited po ako ngayon!"
Sumingit naman yung ilang fans.
"Kami po kanina pa po sa labas bandang 7 AM!"

"Wow, right here with me are the biggest fans of Cha Eun-woo!"

"We love you, Oppa! Neomu saranghae!"
I panned the camera to show all the fans waiting in line at kumaway naman silang lahat.

"Thank you, thank you!"
Sabi ko sa kanila then stopped the recording. Ang saya naman ng ganito. Feeling ko maganda ang outcome ng vlog ko. Pero syempre the best part is yung ma-interview ko ang idol nila.

A Star My Hands Can Never HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon