Chapter Nine

26 1 0
                                    

"I went to Korea last year and learned to cook this."
"Really? Wow... I'm happy you visit my country too!"

Nakikinig lang ako sa usapan ni Eun-woo at Gail habang tinutulungan niya itong mag prepare ng kakainin. Naikwento niya rin na gumagawa siya ng cooking vlogs, syempre napanuod na namin 'yon kaya tuwang-tuwa siya. Hinihintay ko lang na simulan ni Gail ang pagluluto dahil kukuha lang ako ng snippets. Step by step process yung gagawin kong video eh. Sa tuwing nire-record ko nga si Gail ay natatawa ako dahil literal na tahimik at hindi gumagalaw si Eun-woo sa likod ko. Parang mannequin lang. Hahaha!

"Okay! Ready na ako, bes!"
Lumapit ako kay Gail at naghanap ng angle simula sa pagbukas ng stove at paglagay ng ingredients. Parang cooking show lang kumbaga. Ako lang yung cameraman tapos si Eun-woo ang celebrity assistant chef ni Gail behind the cameras. Hahaha! Ang saya naman pala talagang kasama ni Eun-woo dahil childish siya at goofy. Hindi mawawala yung tinginan namin ni Gail kapag kinikilig at napapasulyap kami dito.

"Deudieo~! Our kimchi fried rice is ready! Hmmm!"
Nilapit ni Gail ang niluto niya sa camera kaya kumuha ako ng magandang close-up angle nito.
Napalingon naman ako sa likod at--- muntikan pang makabunggo si Eun-woo dahil inaamoy niya rin pala ang luto ni Gail nung inilapit ito sa camera. Iniwas niya agad ang tingin niya kaya binalik ko nalang ang atensyon sa pag video.

Kahit na deep inside, lumalakas na naman ang pagtibok ng puso ko. Ba't pa kasi ako lumingon eh alam kong malapit lang si Eun-woo sakin.

"Next recipe that I'm going to cook is the famous Korean Beef Bulgogi! Nako, if hindi niyo pa natitikman ito, magsisisi kayo habang-buhay! Charot, pero oo nga mga mars! Sobrang sarap nito. Kumbaga sa atin ay tinatawag natin itong Bistek, but Beef Bulgogi is very different, depende na rin if tama yung pagkakatimpla ninyo. Korean Beef Bulgogi is marinated with soy sauce, sesame oil, onion, garlic, ginger, sugar, asian pear, and black pepper. Pero syempre, may isa pa akong secret ingredient!"

I stopped the recording at napatawa sa sinabi ni Gail.
"Anong secret naman 'yon, bes?"
"Secret nga diba? Hahaha!"
I reviewed the shot habang tinutulungan ulit siya ni Eun-woo. Tapos as usual, kumuha ng close-up shots ng ingredients nito.
"Ready na, bes?" Tanong ko.
"Yup! Eun-wooya~ jamkkanman!"
Sabi ni Gail at tila naghuhugis puso ang mga mata habang papaalis si Eun-woo sa tabi niya. Ang cute, hahaha!
"Fighting!"
Sabi naman nito sa kanya.

After a few minutes ay natapos na siya sa pagluluto kaya nag outro na kami sa vlog. Ni-record ko na rin sila kasama si Eun-woo at si kuya driver for personal use. Syempre gagawa rin ako ng sarili kong vlog na nakatago lang sa files. Sayang nga dahil hindi namin mai-flex si Eun-woo in public. Joke!

"Wow, wow! Smells so good!"

Excited at inaamoy-amoy ni Eun-woo ang luto ni Gail at nagdasal muna kami before kumain. Syempre pictures muna pagkatapos.
"Seems like you're too hungry to take selfies now."
Asar ko naman kay Eun-woo na katabi ko lang. Kaharap ko si Gail na katabi si kuya driver at sinumulan na naming kumain.

"Masisseoyo!"
Sabi ni Eun-woo kaya tinanong ko kay Gail kung ano yung sinabi niya. Masarap pala. Gumamit na rin ako ng chopsticks at unang kagat pa lang sa beef bulgogi ay napapikit nalang ako. Ang galing!

Muntik ko pang makalimutang kailangan ko rin palang mag video habang kumakain kaya in-adjust ko nalang yung angle ng camera para hindi makita si Eun-woo sa tabi ko. Aware naman siya at sinabi ko sa kanilang muted naman ito dahil background music ang ilalagay ko sa clip.
Sinilip ko ang relo ko at almost 7 PM na nga. Ako na ang naghugas ng pinggan kaya nasa sala silang lahat at nagkekwentuhan. Ano kayang magiging reaction ng tatay ni Gail pag umuwi siya at may mga Koreanong bisita?

A Star My Hands Can Never HoldМесто, где живут истории. Откройте их для себя