Chapter Seventeen

30 2 1
                                    


Lumipas ang ilang araw simula nung malaman kong dalawang linggo na pala akong buntis. Pabago-bago yung mood ko, minsan ay nasusuka ako pagkagising, at ang mas kinaiinisan ko ay palagi akong natatakam na kumain ng Gummy bears sapagkat hindi naman ako mahilig kumain nito dati pa.

"Okay so ganito yung gusto kong mangyari," pumwesto si Claire sa entrance ng isang grocery shop na nagpapa advertise samin.
"Maglalakad ako dito, mga ilang steps lang for the introduction then papasok kami ni Trexie tapos alam mo na kung anong gagawin mo, syempre. Papakita mo lang yung paligid, tapos yung mga staff, mga stalls and all. Then proceed tayo sa grocery shopping part. Yung products ng major sponsor."
Mula nung nalaman ni Trexie ang tungkol samin ni Eun-woo at lalo na sa pagbubuntis ko ay lagi siyang nakabantay sakin. Para ko na nga talaga siyang naging nanay. Daig niya pa nga si Mama sa pagkamusta sakin eh. Hahaha! Tinanong niya ako kung hindi daw ba ako naiinitan bago ko sila kinunan ng video.

"Okay, cut!"
After kong kumuha ng snippets ng mga staff at customers ay kumuha na kami ng shopping carts, bale tatlo. Yung pinakamalaking carts talaga dahil worth ₱10k ang sponsor ng store sa radio station. Ang mga pwede lang naming kunin ay ang mga pagkain mula sa isang food and beverage product company na nagpapa promote sa store nila. Karamihan nga dito ay mga biskwit, kape, instant noodles at candies. Pumayag naman silang kumuha kami ng mga ibang brand at mga gagamitin namin para sa office tulad ng spraycans at iba pa.
Syempre alam na naming may maiuuwi kaming lahat sa bahay kapag may sumobra. May pa-raffle kasi kami sa listeners at mapipiling winners sa bagong show ni Claire na tinatawag niyang "Sayaw o Tanong".

"Thank you, guys ha. I really love the energy kahit na bilad sa init, noh?"
Bungad naman samin ng marketing manager ng store na tinatawag naming Miss MJ. Sa boses niya nga, bagay sana siyang maging DJ eh. Alam niya namang hiring ngayon sa station namin pero syempre naman noh, di hamak na mas malaki ang sinasahod niya kesa samin. Hahaha! Charot.
Dahil nilibre kami ng lunch ay makaka save ako ngayon. Takam na takam nga ako nung may pork chop eh. Trip ko na namang kumain ng anything basta crispy. Tulong~ ang arte ng tastebuds ko. Ganito pala pag nagbubuntis? Tapos 9 months akong magtitiis ng ganito. Eh gabi-gabi nga akong nanonuod ng mukbang eh. Gusto kong kumain ulit nung pickled radish in cubes! Naglalaway talaga 'ko pag kinakain yun nung mga Korean vloggers. Nakatikim naman na ako nung ipinagluto ako ni Gail sa kanila, pero hindi pa naman ako— naglilihi ng mga panahong yun... kaya hindi ko pa na-appreciate yung lasa. Hays!

Speaking of Gail, lagi parin kaming nag-uusap sa Messenger pero hindi kami masyadong nakakapag VC eh. Hindi ko pa nga pala sinasabi sa kanya itong sitwasyon ko. Siguro saka nalang pag okay na yung samin ni Eun-woo. Baka kasi ma-stress lang rin siya sakin eh. At alam ko ang ugali ni Gail. She's persistent. Alam kong magagalit siya pag nalaman niyang hindi ko pa sinasabi kay Eun-woo at baka siya pa nga mismo ang kakausap dun. Nako, nai-imagine ko na talaga.

"Ching, call me lang sa messenger ha if may kailangan ka. May advertiser kasi akong pupuntahan ngayon eh for signing of contract."
Niyakap ko naman si Trexie bago siya umalis.
"Okay. Ingat kayo, ching. Ano nalang pala, kwek-kwek. Okay na ako sa dalawa. Pero damihan mo ng pipino ah? Tsaka yung green na slimy."
Natatawa naman siyang tumango sakin.
"Okay, mommy~."
Biglang bumukas ang pinto ng booth at lumabas si Khim. Nagkatinginan lang kami ni Trexie saka siya umalis.
Kumukulo talaga dugo ko pag nakikita ko 'tong isang 'to eh. Alam niyo naman yung parang kinukutuban kang sinisiraan ka ng tao, diba? Yung parang ayaw niyang pinupuri ako ng manager namin. Hello? Magkaiba naman kasi yung trabaho namin dito noh. DJ lang naman siya't isa sa mga FB page moderator pero wala ngang ginagawa dun eh. Ako lang!

"Okay na ba yung ad ng shopping store? Need mong i-upload yun today diba?"

Blah blah blah~

"Oo. Editing pa."
"Okay! Just tell me lang ha kasi ako na magpo-post. Pa-send nalang sa g-mail."
Kumunot ang noo ko at napatigil sa ginagawa ko. Distorbo talaga, o!
"Ha? Bakit ikaw? Eh hassle na pag pinasa ko pa sayo sa g-mail tapos nandito na sa laptop ko, right?"
"Oo, pero sinabi ko na kay sir kasi na ako na yung magpo-post for today's video."
Eh kung sapakin kaya kita dyan? Epal!
"Whatever," bulong ko sa sarili ko.
Tinitigan ko siya ng masama nang makabalik siya sa loob ng booth at napansin ko ang basura niya sa mesa ni Trexie. Nagtimpla kasi siya ng kape. Bastos talaga, bw*sit. Aatakihin ata ako sa puso ngayon eh. Nakakainis! Sipsip talaga! Asa namang itapon ko 'yang basura niya noh. Ang laki-laki ng CLAYGO sign eh.

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now