22.

642 26 0
                                    


Reeve's POV


Mainit ang panahon dahil tagtuyo't ngayon, at sa bawat araw ng buhay ko ay nasanay na ako sa buhay na ganito. Wala na ang manokan, at pati na ang isda. Tanging tanim nalang na gulay at mais sa paligid ang pinagkakaabalahan ko.

I diverted my attention into doing where my expertise matter. Nagtayo ako ng maliit na talyer para magkaroon ng kita kahit papaano. Wala na akong balita kay Melissa, at sa higit dalawang taon na simulang mawala siya na kasama ang ama niya, ay wala na kaming balita mula sa kanila.

I've heard different stories from different people in the business where Melissa's father used to be a member. They all said the same thing. Melissa is probably now having difficulty trying to save her father's company. 

Iba-iba rin ang narinig kong balita. Nag-asawa na raw siya, at isang negosyanting taga Amerika ang pinakasalan niya. Pambayad utang daw ito sa lahat ng mga utang ng Papa niya. At maliban doon, ay nasa critical pa din daw ang kondisyon ng ama ni Melissa, at panghabang buhay na gamutan daw ito. At ito raw ang dahilan nang pagkabagsak ng lahatng negosyo nila.

There are a lot of payables, especially the taxes on land, bills, and other things. Manong Paeng still helps, and Tiya Esperanza stops doing the dried fish.

Mas mabuting mag-concentrate na siya sa maliit na tindahan niya, at nang sa ganoon ay matutukan niya ang mga taong pumapasok sa territoryo na ito.

Ethan is getting into Melissa's property, especially down below. And that's why I put up fences, to protect the property against them and those who wanted to squat around.

Maraming magnanakaw, at hindi lang isang beses, kung 'di maraming beses na. Pero simula nang matutukan ko ang bundok, ay wala nang naglakas loob na umakyat rito.

They are scared of me. The people in the village think that a monster is living at the top.

"Ayaw mo ba na gupitan kita, Dong?" si Manong Paeng sa likod ko. 

Hindi ko umimik at isa-isang tinali ang mga sako na may lamang lupa. Papasanin ko ang mga ito, at ilalagay sa babang bahagi na malapit sa boundary ng lupa kay Ethan.

"Mukha ka na kasing katakot-takot, Dong. Mahaba na ang buhok mo at pati na ang balbas."

"Huwag na, Manong. Komportable ako sa ayos kong ito. Salamat."

Tinalikuran ko siya at pinasan ko lang ang dalawang sako ng lupa na walang kahirap-hirap. Mabigat ito, pero sanay na ang katawan ko. Isang kilometro at kalahati ang lalakarin ko na pasan ito sa likod.

"Ikaw ang bahala. Nagbabakasakali lang naman ako, Dong. Siyanga pala, Dong. Hindi na muna ako makakatulog dito sa bukid, dahil maraming orders sa bayan."

Nahinto akong saglit at tinitigan si Manong sa mata. Dumukot ako sa bulsa at binigay ko ang pera sa kanya. Five hundred pesos ito.

"Naku, huwag na Dong. Itabi mo nalang 'yan. Malaki pa ang babayaran natin sa Tax ng lupa. Okay na ako na nakitira sa lupang ito sa baba."

Hindi ako nakinig at kusang nilagay ko ito sa bulsa ni Manong. Hindi na siya makaimik at tumalikod na ako. Alam kong may tatlong anak siyang nag-aaral at nagsisikap sa bawat trabaho. Importante rin sa kanya ang pera kahit papaano.

"Salamat, Dong." Boses niya at itinaas ko lang ang kamay at umalis na.



DUMATING ang tag-ulan at maputik ang daan. Bitbit ang dog food na nakabalot sa plastic, ay maingat ang bawat hakbang ko paakyat ng bundok, hanggang sa marating ko na ang pinakatuktok.

I inhaled deeply while looking at the beauty around me. I shut my eyes briefly and let the wind kiss my face. I looked at the sky. It was dark and gloomy.

Mabuti nalang at tumili na ang ulan. Pinagbigyan ako ng pagkakataon na maakyat ang tuktok na ito. 

Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang kabuuan ng dagat sa bandang kanan. Samantalang makikita mo naman ang kabuuan ang kalapit na bundok sa kaliwa.

I discovered this place while trying to get myself busy and planting more trees around. Si Pulgosos ang palagi kong nakakasama noon. At kahit na matanda na ang asong iyon, ay ayaw niyang maiwan sa bahay.

Natatakot yata siya na iwan ko siya, kaya kahit na nahihirapan siya sa paglalakad ay binubuhat ko siya at pansamantalang naging kausap ko sa lahat ng mga gawain ko sa bundok.

I had a good time bounding with Pulgosos, and he saved me every time he can sense dangers like snakes around. Tumatahol siya at sa ganitong paraan ay nalalaman ko na may ahas sa paligid.

"Pagkain mo, Pulgosos." 

Inilagay ko sa ibabaw ng puntod niya ang dog food at tinitigan ang lupa. Sa isang kahoy ko isinulat ang pangalan niya at ang petsa ng pagkamatay niya. Anim na buwan na simula ng mawala siya.

"Bababa ako sa bundok sa mga susunod na araw at mananatili muna sa talyer, Pulgosos. Ikaw muna ang magbantay sa lahat, okay? I miss you, bud," tiim-bagang ko habang pinagmamasdan ang pangalan niyang nakaukit sa kahoy.

***

"Ako na ang bahala, Dong. Tapusin mo nalang ang mga dapat mong tapusin. At kung may hihingi ng tulong ay ipapaakyat ko sa puwesto mo. Madalas takot sila. Pero mas mabuti na ang ganito. Walang mangahas na magnakaw. Heto, tinapay."

Tinangap ko ang tinapay na bigay ni Tiya at tumango ako sa sarili. Tumalikod na ako at humakbang na patungo sa maliit na talyer.

Wala akong customer, at mahirap makanap ng bago. Dahil ang mga tagarito ay takot sa akin. At madalas na mga customer ko ay ang mga taong hindi tagarito na umaakyat lang sa kabilang bundok. Sila madalas ang humingi ng tulong para sa mga gamit nila, at dito ako nagkakapera.


A text message from Tiya:

Dong, may aakyat na lalaki riyan. Nakamotor iyon at sa tingin ko hindi tagarito. Naligaw yata, Dong. Malaking tao at kahina-hinala ang kilos niya. Flat ang gulong niya.


Nagtagpo ang kilay ko nang mabasa ito at ibinalik lang din ang lumang cellphone sa ibabaw ng mesa. Tinatapos ko pa kasing tapakan ang butas ng isang gulong.

After thirty minutes, I heard the wind chimes blow in a different direction, creating a different sound. 

Sa tagal ko na sa bundok na ito ay sanay na ako sa galaw ng hangin sa paligid at ingay na paparating. At ang ingay ngayon, ay nagsasabi sa akin na may taong paparating sa territoryo ko.

"Tao, po! Tao, po!"

Huminto ako nang marinig ang boses niya. Buo ito at mala-awtoridad. At sa hindi inaasahan ay umigting ang panga ko at nabalot nang kakaibang init ang malamig na hangin sa paligid.

Isinuot ko agad ang sumbrero. Halos natakpan na ng sumbrero ang mga mata ko, at tanging bibig ko lang yata ang makikita niya ng maayos. Makapal ang balbas ko at nakatali ang mahaba kung buhok sa likod.

"Excuse me, boss. A-Are you, Aragon? Tama yata itong ibinigay ng matandang babae sa baba na address ano? Flat kasi ang gulong ng motorsiklo ko, boss. Ipapaayos ko sana."

My jaw tightened when I heard that name.

Yes, I am no longer Reeve. I have changed my name to Aragon, and only Manong Paeng ang Tiya Esperanza called me Reeve. I want to forget that name. That name brings bad luck to me.

Umayos ako nang tindig at madungis ang mga kamay ko dahil sa ginawa kong trabaho. Napaigting ang panga ko, at nang humarap ako sa kanya para sana kausapin siya, ay huminto saglit ang ikot ng mundo ko.

What the. . . no effing way.

"H-Hello, boss. Ang astig ng dating natin ah." Pilyong ngiti niya at isinandal niya agad ang kamay sa upuan ng motorsiklo niya.

I looked at him thoroughly, and my whole damn world shits scared the hell of me. He looks like someone that I used to know. He looks like. . . Diego De Luna.

"I'm Samuel Lockhart, boss. Digs for short." Lahad ng kamay niya at nagmura ang isip ko. 

.

c.m. louden 

The Lost Billionaire (MBBC#9)   Where stories live. Discover now