5

913 35 0
                                    


Melissa


Kinakabahan ako pero panindigan ko na ito. Wala na akong maisip na ibang solusyon, at saka ko na lang iisipin ang susunod na mangyayari sa susunod na mga araw. Kukunin ko ang pagkakataon ito habang wala siyang naalala sa sarili.

"Ano? Gusto mo ba na ako ang gagawa ng kwento para sa inyong dalawa?" si Tiya Esperanza sa akin. Seryoso ang titig niya at walang halong biro ito.

"Ako na, Tiya." Kinuha ko agad sa kamay niya ang inihanda niyang pagkain para kay Reeve.

"Ayusin mo, okay? Huwag kang sumabit."

Inayos niya ang buhok na nakatabon sa mga mata ko at iniligpit ito sa bahaging taenga.

"Isipin mo na lang ang gusto mo, Melissa. Hindi ko ito gagawin, pero alang-ala sa 'yo, anak ay gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Kaya tibayaan mo ang loob mo at kunin mo ang puso ng lalaking iyon. Ikaw na ang bahala ha?" lambing na boses niya. 

Tumango ako at tipid na ngumiti. Tumalikod agad siya at kinuha ang basket na walang laman. Bababa na siya at iiwan na ako rito kasama si Reeve. 

Kabado man sa sarili ay pipilitin kong maging normal ang lahat, at ng sa ganoon ay maisakatuparan ko ang plano.

"Okay, Tiya. Ingat!"

Inangat lang niya ang kamay at binuhat na ang isang basket na may lamang itlog. Ititinda niya ito sa tindahan, at gagawa rin siguro siya ng cake na paborito ko.

Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang kwarto ko na kung nasaan si Reeve. Tulog siya at nakatalikod. Walang kumot ang kalahating katawan at bakas ang magandang tattoo sa likod niya.

Reeve. . . Iyan ang nakasulat nito sa salitang latino.

Maingat kong inilapag ang pagkain niya sa maliit na mesa. Humakbang ako palapit sa kanya, at hinila ang kumot para matakpan ang likod niya.

Sandaling nahinto ang kamay ko sa bahagi ng tattoo, dahil may maliit pala na nakasulat sa baba ng bawat letra ng pangalan nito.

R- Reeve Ranger? Isip ko.

Nahinto akong saglit at umangat ang kamay ko para sana mahaplos ko ang bawat maliliit na simbolo sa babang letra. Pero hindi ko na nagawa ito, dahil mabilis ang ginawa niyang pagharap sa akin, at sing-bilis ng hangin ang ginawang paghawak niya sa palapulsuhan ko.

Nabigla ako.

"What are you doing?" in his rustic voice.

"Uhm, g-gising ka na pala?" ngiti ko. Ilang pulgada lang ang mukha namin at napalunok ako sa sarili.

"P-Pagkain mo. Inihanda ko lang."

Bumitaw rin agad siya nang mamataan ito sa maliit na mesa. Bahagya ang ginawa niyang pag-upo at gumihit sa mukha niya ang nararamdamang sakit. Nakikita ko ito kahit pa na tinatago niya.

"Kumain ka muna bago mo inomin ang gamot mo. Ako ang nagluto nito. Sana magustuhan mo."

I bring it closer to him and I sat down beside him, on the edge of the bed. Hindi ko na inisip ang kalahating hubad na katawan niya, dahil sanay na ako. Sanay na ako sa hugis ng katawan ng mga tao. At nasanay na rin ang mga mata ko sa kanya dahil magdadalawang linggo siya rito sa loob ng kwarto ko.

"Hindi ka ba nilalamig? M-May damit ka naman ah. Ba't ayaw mong suotin?" kabadong tanong ko. Tinimplahan ko na ang kape niya at ito ang unang binigay ko sa kanya.

Maingat niyang tinangap ito.

"I feel hot. I couldn't sleep," he answered.

"I see. . . Bubuksan ko ngayong gabi ang bintana para sa 'yo. Pasensya na kung nakasarado ang mga ito tuwing gabi. Hindi kasi ako sanay na buksan ang bintana ng bahay. Nag-iisa lang kasi ako rito."

The Lost Billionaire (MBBC#9)   Where stories live. Discover now