6.

978 29 3
                                    


Melissa Beau POV


Nakapikit ang mga mata ko nang humikab habang naghihintay sa pagbukas liwayway ng araw. Itinaas ko ang kamay, at ang ingay ng mga lalaking manok ni Papa mula rito ang naririnig ko. Parang singing contest na ang umaga.

"Good morning, Mr Sun!" saad ko, at ibinaba ang tingin nang mapansin na may tao sa babang bahagi. 

Ngumiti ako. Ang akala ko ay si Tiya Ezperanza, pero mali ako dahil si Reeve ito.

Both of his hands were resting on his hips, and he was looking in the same direction where the sun was coming.

Ang bahay na ito ay nasa pinakatuktok ng bundok ng isla, at lahat ay makikita mo mula rito. Kahit na nasa babang bahagi ka at wala rito sa ikalawang palapag ng kwarto ko ay nakikita mo pa rin ang lahat. 

Tumingala siya nang mapansin ako, at kumaway na ako sa kanya.

"Good morning, love!" siglang bati ko. Mabilis akong tumalikod para makababa at ng masabayan siya.

I am like a child that found a friend and is excited to share my mornings with him. For the past few days, I got used to him calling me love, and I like how I call him love. 

It's comfortable. It's giving me confidence. 

"Ang aga mo ah? Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Yeah, a lot better today. Thank you."

Natahimik kaming saglit at parehong nakangiti habang pinagmamasdan ang pagtaas ng araw. Ang bilis nga, dahil nasa ibabaw na ito na parang alas nuebe na ng umaga.

"Nag kape ka na ba? G-Gagawa ako."

Tatalikod na sana ako, pero nahinto lang din nang mahawakan niya ang braso ko.

"No need. I will make one for you. I had prepared breakfast, love." At kasabay ng katagang ito ay ang mahigpit na yakap na ginawa niya sa akin.

Hindi na bago ang ganito sa amin, dahil sa nagdaang mga araw ay naging panatag at buo na ang plano ko. At ang galawang ganito galing sa kanya ay hindi na bago. 

I will let him think that we are lovers and much in love. I don't want to think about the consequences yet, not now that I'm with him. I'm desperate, and GOD forgives me of this.

Wala na akong maisip na solusyon at heto na. Parang inihain si Reeve sa akin ng langit bilang dasal sa problema ko. At sa pamamagitan nito ay kaya ko nang muling harapin si Papa at ang totoong mundo ko.

Pero bago paman iyon ay kailangan ko muna na makuha ang buong puso at tiwala ni Reeve. Kailangan ko muna na makuha ang puso niya at mapaamo ito.

"I miss you. . . " Higpit na yakap niya sa katawan ko, at tulala ako sa sarili.

"I-I miss you too." Pikit-mata ko at niyakap ko siya pabalik.

Bahala na. Susubukan ko na ito hanggang sa masanay ako. Hindi naman siya mahirap pakisamahan dahil mabait siya sa tingin ko. At isa pa, lagpas tatlong linggo na nang nagpabalik-balik si Manong Paeng sa Police Station para maki-chismis kung meron bang nawawalang lalaki na kamukha niya, at pinaghahanap ng mga pamilya sa syudad at kalapit isla. Pero wala. Walang pagbabago.

"Natapos na ba si Tiya Esperanza?" kunot-noo ko. Hindi ko kasi napansin si Tiya. Madalas kasi ay nasa paligid na siya sa mga oras na ito.

"I told her to don't worry about coming here today. I will take charge of her job. I just did."

"Ano!?"

Napaatras ako at tinitigan ang katawan niya. "Hindi ka pa magaling, Reeve. Anong ginawa mo?" Tingin ko sa paligid.

The Lost Billionaire (MBBC#9)   Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ