Simula

2.5K 48 1
                                    


Melissa


"Mahal kita pagka't mahal kita. Iniisip nila ay hindi mahalaga. Mahal kita maging. . . "

"Kapre ka man!"

Naningkit ang mga mata ko at inis kong tinitigan ang nag-iisang matandang dalagang tiyahin ko.

 Kahit kailan talaga! Ang hilig niyang sumingit sa bawat birit kong kanta.

"Mahal kita maging sino ka man!" Taas ng boses ko at natawa lang din si Tiya.

"Nakakatawa ba ng boses ko, Tiya?"

Humarap ako sa kanya at taas noo ko siyang tinitigan. Ibenandera ko ang katawan, at syempre pati na ang makinis at mahaba kong legs.

"Sus, Ginoo! Kung labanan lang ito ng mga balyena tiyak panalo ka na!" kantyaw niya. Tumalikod agad siya at kinuha ang malaking basket.

Nawala ang ngiti ko at napangiwi ako sa sarili. Bumaba na rin ako sa malaking bato rito.

"Kainis ka naman, Tiya! Alam mo naman na araw-araw akong naliligo at kinikiskis ang balat ko para naman maging kulay perlas ito. Hindi pa ba sapat ang ganda ko?" Sabay hawi sa mahabang kulot na buhok ko.

Sumeryoso ang mukha niya at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, at pabalik. Naghihintay ako sa maari niyang sasabihin, pero mukhang pinag-iisipan niyang mabuti ito.

"My goodness me, Tiya. Can't you see that ang ganda ko? Feel na feel ang long hair ko!" Wala sa ayos na boses ko, at natahimik agad ako nang malunok ang maliit na langaw sa bibig.

Napaubo ako nang wala sa sarili at iniluwa ito. Ni hindi ko na nga nakita kung may langaw ba talaga? Pero sigurado ako na may pumasok sa bibig ko kanina lang.

"T-Tubig!" Lahad ng kamay ko at mabilis niyang inabot ang maliit na bote ng tubig sa akin.

"Masyado ka kasing maingay, Mel. Manahimik ka kaya. Can't you see that we are in a sunbathing area?" Open arms niya at itinuro ang mga daing na isda na nakababad sa init ng araw.

Tinakpan ko na ang ilong ko, dahil ayaw kong pasukin ng langaw ito. Kinuha ko rin ang isa pang basket at mabilis ang ginawa kong paghakbang palayo sa kanya. Nakasunod lang din siya sa akin.

"Nakalimutan ko. Tanghali na pala!" Bilis na lakad at takbo ko. Hindi ko na inantala si Tiya. Bahala na muna siya sa buhay niya!

"Hoy, Melissa! Huwag mong kalimutan ang ice cream ha? Dalawang galon iyon!"

"Opo, Tiya!" Taas kamay ko habang tumatakbo. Hindi ko na siya nilingon dahil nagmamadali na ako.

Pababa nang halos isang kilometro ang bahaging bundok na ito. Masyadong makipot ang daan at madulas. Pero nahahawakan ko naman ang bawat kahoy na nagsisilbing alalay ko pababa. Hindi ako madudulas.

Panay ang tingin ko sa araw, at tantya ko ay mag-aalas dose na ng tanghali ngayon. Siguro kanina pa naghihintay si Manong Paeng sa akin.

"Dios ko po! Aray!"

Nahinto ako dahil sumabit ang damit ko sa isang matulis na sanga ng puno. Mabuti na lang hindi natusok ang balat ko at medyo nagalusan lang ito.

"My God, self. Please be careful because if you fall, no one will catch you. Sa kanta lang meron ang, catch me I'm falling, okay? Dahil sa totoong buhay ay wala. Walang sasalo sa 'yo bruhang Melissa!" Salita kong mag-isa.

Mabilis kong pinunasan ang maliit na dugo sa bandang hita ko. Nasugatan na naman ako. Wala na talaga akong pag-asa na manalo sa Ms Universe nito.

Nang marating ko ang isang maliit na bahay kubo ay agad kong binuksan ang maliit na refrigerator nito sa loob. Napatingin pa ako sa paligid habang nasa bibig ang tubig. At napansin ko agad na nakabukas ang maliit na pinto sa likod.

The Lost Billionaire (MBBC#9)   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon