Bakit?

142 2 0
                                    


Bakit hindi maipaliwanag ang nararamdaman?,
Kapag ikaw ay nakita o nasa harapan,
Mga lungkot at problema ay nalilimutan,
Pati bahid ng masalimuot na nakaraan

Ang isang katulad ko ay naguguluhan,
Hindi makagalaw kapag ika'y nasa harapan,
Hindi mapigilan ang sarili na mapangiti,
Kahit pa kagatin ko ang aking labi

Bakit sa karamihan ng tao sa mundo?,
Ako pa itong pinana ni kupido,
Puso'y hindi mapigil ang pintig,
Kapag ngalan mo ay naririnig

Ako'y nagtataka,
Ano nga bang meron ka?,
Bakit sayo ko lang nakita,
Mga bagay na wala sa iba

Sa sandaling oras na nakapiling ka,
Puso'y unaapaw sa tuwa at saya,
Kahit pangiinis mo'y walang tigil,
Pintig ng puso parin ay hindi mapigil

tula ata?Where stories live. Discover now