Tangi

195 0 0
                                    


Ang iyong magagandang mga mata,
Ay tila kumikinang na tala,
Ngiti mo na nakabibighani,
Kay sarap mong itangi palagi

Bawat pagtagpo ng ating mata,
Ang aking puso ay sobrang saya,
Tila nakakita ng artista,
Kaya't ang ngiti hindi mawala

Hindi alam kung pano nahulog,
Ang pusong pagod at natutulog,
Nung una ay aking pinigilan,
Ngunit pag-ibig may kalakasan

Alam kong malabong maging akin,
Ang pagtingin na aking dalangin,
Subalit susubukang makamit,
Kahit maging kapalit ay sakit

tula ata?Where stories live. Discover now