Silahis ng Araw sa Kanluran

112 1 0
                                    


Silahis ng Araw sa Kanluran,
Ay hindi nakasasawang tingnan,
Paglubog ng araw sa kanluran,
Ang pahiwatig ay katapusan

Bawat pagsapit ng dapit hapon,
Makikilala rin kita puhon,
Magbago man ang timpla ng langit,
Dito lang lagi kahit masakit

Hiling na sana wala ng iba,
Siya nalang sana kung pwede pa,
Mapagal man sa isang paghangad,
Di papayag na maging sawing palad

Saan man dalhin ng ating hangin,
Ika'y patuloy na hahanapin,
Kahit puso mo'y iba piliin,
Ikaw parin ang tanging dalangin

tula ata?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ