Pangako

183 2 0
                                    


Pagmamahal ko sayo ay buong buo,
Ang isang katulad mo'y iingatan ko,
Di papayag na sa piling mo'y malayo,
At pagtingin ko sayo ay hanggang dulo

Pangakong ika'y aking paninindigan,
Ako'y iyong kaibigan at sandigan,
Hanggang sa ating pagtanda tanging sayo,
Kahit pa tayo'y maaaring magbago

Pag-ibig ko sayo ay higit sa sapat,
Bawat oras nangangakong ako'y tapat,
Sa hirap at ginahawa ay nasa tabi,
Hindi iiwan kahit anong mangyari

Ang bawat malamig na simoy ng hangin,
Yakap mong kaysarap, agad iisipin,
Kikilalanin ko ang tunay na ikaw,
Mahal, dadalhin sa altar balang araw

tula ata?Where stories live. Discover now