Hangarin ng Lalaki sa Bukirin

108 3 0
                                    


Sa isang malawak na bukirin,
Isang lalaki ay may hangarin,
Hangarin na sana ay tuparin,
Ng tadhanang mahirap tansyahin

Kami ay tinuring na bayani,
Bayaning lumalaban palagi,
Pangarap ang syang aming sandata,
Pawis man ay pumatak sa lupa

Araw araw ay handang bumagon,
Kahit pa nagbago ang panahon,
Sakaling bukas ako’y yumaman,
Kaya’t sa bukid ako’y lumalaban

Maliban sa pagiging mayaman,
May isa akong nais mahagkan,
Ang babaeng tila paraluman,
Dahil ganda nya’y pang kalawakan

Larawang puno ng kagandahan,
Ang hawak habang pinagmamasdan,
Ganda mo’y tulad ng mga bituwin,
Gaya ng tanawin sa Bukirin

Ako ay lalaki sa bukirin,
Subalit handa kitang mahalin,
Buhay ko ma’y hindi karangyaan,
Ngunit pagibig ko’y walang hanggan

Ngalan mo’y binubulong sa hangin,
Kahit bihira mo kong pansinin,
Ikaw ay handa paring mahalin,
Kahit malabo kang maging akin

Ikaw ay hindi pababayaan,
Dahil ikaw ang aking tahanan,
Sa bukid magsisikap palagi,
At palagi kitang itatangi

Tumaas man ang presyo ng bigas,
Ngunit gutom ay di mararanas,
Ika’y handang mahalin ng wagas,
Mula sa simula hanggang sa wakas

Wala man sa sinumang minahal,
Ang tumagal at handang sumugal,
Ngunit pipilitin kong abutin,
Ang pagibig mong aking dalangin

Kung hindi ako ang pipiliin,
Ika’y hindi ko na pipilitin,
Itutuloy nalang sa bukirin,
Ang mga naiwan kong gawain

tula ata?Where stories live. Discover now