Paghangang Lihim

823 8 0
                                    


Ang aking kaligayahan ay umapaw,
Sapagkat kagwapuhan niya'y natanaw,
Ang kanyang ngiti ay nakahuhumaling,
Katulad ng mga bituing nangniningning

Sa tuwing nagbibigay ng pahiwatig,
Na ang puso ko'y ikaw ang pinipintig,
Lagi nalang nagtataingang kawali,
Mukha ba akong nagbibiro palagi?

Ang wangis mo na sadyang katangi tangi,
Hindi nakasasawang pagmasdan lagi,
Ang iyong pusong tila ay isang bato,
Hindi parin matanto na ika'y gusto

Kung makikilala mo  kung sino ako,
Makakamit ko kaya ang pag-ibig mo?,
Sa bawat pagpikit ng aking mga mata,
Hindi parin mag-iiba aking sinta

tula ata?Where stories live. Discover now